Pauna

3.6K 59 4
                                    

Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budhi.

Punyemas.

Ako si Naomi Fernandez, isang normal na college student na nagising sa mundo ng otome game – Diyosa ng Vamon, matapos masagasaan ng truck.

Ano nalang ang gagawin ko kung isang araw magising nalang ako bilang si Aleyra?

Syempre dapat masaya, mayaman na ako eh. Pero kabaliktaran noon ang nangyari, parang pinagbaksakan ako ng langit at lupa dahil sa kababalaghan na ito.

Dahil si Aleyra Esteban, ang siyang kontrabida sa storya na ito.

At mukhang ako na si Naomi... ang mamamatay dahil sa kalokohan niya.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now