Kabanata 9

1.1K 58 3
                                    

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko, huli na ng narealize ko 'yong kalokohan na ginagawa ko kanina.

Hindi ko dapat ginawa iyon, nagmukha akong tangang insensitive na malantod na palaka. Una, 20 years old na si Leriko, pangalawa, hindi ko man lang na-consider kung ano iyong mararamdaman niya sa ginawa ko, at ang panghuli, baka sa mata ng iba ay hinaharot ko si Leriko.

Sinong hindi?

Ako si Naomi, at nasa loob ako ng katawan ni Aleyra. Technically, hindi ko siya kapatid kasi hindi naman ako iyong tunay na Aleyra, pero sa mundong ito...ako si Aleyra at kapatid ko si Leriko.

Grabeng crisis naman ito–type ko pa naman.

Napabalikwas ako ng tayo tapos humiga ako ulit habang tinatawag ko iyong sarili ko na tanga. Dapat mag-ingat ako sa kilos ko, dahil baka mas maaga ang kamatayan ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong ganito, matapos ko kasing makabalik sa kwarto, kinalma ko muna ang sarili ko, nagmuni-muni sandali, tapos biglang nagsink-in lahat ng katarantaduhan na ginawa ko kanina.

Punyeta.

Kailangan na mas maging matibay at maayos ang mga gagawin ko, baka bigla nila na isipin na baliw ako, masyado ng nalalayo ang kilos ko sa totoong Aleyra.

Paano ba kasi maging ikaw ha, Aleyra?

Napatingin ako sa pinto noong may biglang kumatok

Pusta ako ng bente si Belinda 'yan.

At tama nga ang aking hinala, nakayukong pumasok si Belinda matapos ko na ibigay ang permiso ko na maari siyang pumasok. "Binibini, ang inyong Lolo na si Don Arturo ay nasa hapag. Pinapatawag kayo nina Don at Donya Esteban para sila ay inyong masaluhan sa hapunan." Magalang na sabi niya habang nakayuko. Andami niyang sinabi, pwede naman na – "may bisita, kain daw kayo sa baba."

Kakain nanaman? Na-trauma na ata ako.

Magrereklamo pa sana ako, kaso hindi ako sigurado dahil baka magalit iyong lolo kuno nitong si Aleyra.

Matapos ko na magpalit ng beige na baro at saya, tinali naman ni Belinda ang buhok at nilagyan niya ng panali sa buhok na may dilaw na bulaklak na disenyo.

Hindi na ako ngumiti sa salamin dahil baka mabarag pa, pangit pa naman ang ngiti ni Aleyra, parang papatay ng wala sa oras

Pagkatapos na mag-ayos, hinatid ako ni Belinda sa dining hall. Nang makarating kami sa harap ng pinto, kinalma ko muna ang sarili ko dahil kailangan ko na maging maingat sa lahat ng bagay na gagawin ko. Binuksan ni Belinda ang pinto at doon tumambad sa akin ang lamesa na punong-puno ng pagkain.

Ang alam ko dinner hindi huling hapunan.

Isang libo ba ang kakain?

Napatingin ako sa mga tao na nasa loob ng dining hall, mayroong apat na maids, nakaupo sa kabisera iyong lalaki na ngayon ko lang nakita pero pakiramdam ko siya iyong Don Arturo, iyong ama at ina naman ni Aleyra ang nasa kaliwa, at si Leriko ay nasa kanan.

Lumakad ako at umupo sa tabi ni Leriko, katapat ko ngayon ang ina nina Aleyra na nakangiti sa akin na may bahid ng pag-aalala. Iniisip niya siguro iyong nangyari kanina.

"Napakaganda at napaka-gwapo ng mga apo ko!" Napatingin ako kay Don Arturo na biglang nagsalita at nakangiti ng malawak sa amin.

Ngumiti nalang ako pabalik na siyang mas ikinangiti pa ni Don Arturo, "Mukhang mas gumaganda ang nag-iisang binibini ng mga Esteban ah? Ikaw ba ay umiibig na, apo?" Tanong nito sa akin habang nakangiti, labas iyong maputing ngipin niya. Echosero rin itong si Arturo.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now