Kabanata 28

900 42 11
                                    

Parang gusto ko nalang ma-evict sa bahay ni kuya.

Mamaya, titignan ko na talaga kung may balat sa pwet itong si Aleyra.

Iba ang dikit sa kanya ng malas. Naka-mighty bond!

Ang masama pa, parang ako ang kinakarma dahil sa mga kalokohan niya.

Gigil si ako.

"Buksan mo na." Napatingin ako nung biglang nagsalita si Leriko. Seryoso siyang nakatayo sa tabi ko, 'yung mata niya parang nagsasabi na–"tagal naman buksan, kainis.". Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Daster na lang at pamaypay kamukha niya na 'yung chismosa naming kapitbahay.

Binalik ko ulit iyong tingin ko sa lintik na sobre na mukhang masama ang dala na balita, nararamdaman ko na another problema ang hatid ng lintek na Unibershit na 'yan.

"Buksan mo na." Pag-uulit ni Leriko, naka-awang ang bibig ko na nakatingin sa kanya. Confirm, adik ang kupal na ito.

Inabot ko sa kanya ang sobre na hawak-hawak ko. Nagtatakang nakatingin siya sa akin, "Sayo na lang." Seryoso na sabi ko na hindi pa rin makapaniwala na isa siyang chismoso na tao.

Ang panganay na anak ng mga Esteban ay graduate ng Bachelor of Science in Chimis major in Human CCTV.

Akala ko hindi niya tatanggapin ang sobre na inalok ko, pero mabilis pa sa alas-kwatro na hinablot niya iyong sobre mula sa pagkakahawak ko.

Certified kupal.

Binuksan ni Leriko iyong sobre at sinimulang basahin iyong nakasulat doon.

Siya na si Aleyra, ako na si Leriko.

"Tutal, ikaw naman si Aleyra. Ikaw nalang ang bahala sa kung ano man na ipapagawa nila sa akin–" hindi ko na natapos ang panlalait ko ng biglang magsalita si Leriko.

"Mukhang para sayo nga talaga ito." sabi niya niya na ikinakunot naman ng noo ko.

Tanga ka ba?

"Malamang sa akin iyan, nakasulat oh!, ALEYRA!" inis na sabi ko sabay turo sa sobre na hawak niya. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya na tumingin sa akin.

"Alam ko na para sa iyo ito, nais ko lamang na makasigurado." pagpapalusot niya.

Gusto mo lang kamo ng chismis. Palusot ka pang kupal ka.

Hindi ko expect na may pagka-marites din itong si Leriko. Nagulat ako.

Kinuha ko iyong sulat na naunang basahin ni Leriko. Unang sentence palang, gusto ko ng kumusin at sunugin ang liham nila na mukhang naghahamon ng pakikipag-away.

"Binibining Aleyra,

Magandang araw sa iyo. Inaanyayahan ka namin na muling pumunta sa UnibersitMahi sa susunod na linggo."

At bakit naman po ako pupunta? mga yawa kayo!

Hindi ako pupunta. At bakit parang ang yabang ng pagkakasulat nila?!

Hindi!

Desidido na sana akong itapon iyong lintik na sulat na ito ang kaso hindi nakaligtas sa paningin ko na–

"Ikaw ay aming inaanyayahan upang kami ay makahingi ng pormal na paghingi ng tawad sa iyo."

Hmm?

Worth-it ba ito?

Sorry pero hard-to-get ako.

Tinuloy ko muli ang pagbabasa.

"Bukod pa roon, mayroon kaming mahalagang sasabihin sa iyo. Ikaw ay aming aantayin sa ika-12 ng hapon. Maraming salamat.

UnibersitMahi."

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now