Kabanata 38

822 35 21
                                    

Nakasalampak ako sa higaan ko rito sa dormitory.

Mag-isa ako sa isang katamtaman na laki ng room, hindi ganun kalambot ang higaan, simple lang ang itsura kumpara sa kwarto ni Aleyra. Puti ang pintura, may maliit na chandelier, dalawa na bookshelves, at maraming kung ano-anong gamit.

Kasing laki siya ng comfort room ni Aleyra.

Nasa Departamento Talento ako nailagay, kanina papalabas sa auditorium nila na may "Ma" lang naman sa unahan.

Halata naman na rito lang ako pwede kasi wala akong kakayahan na gumamit ng magic.

Hindi naituloy ni Karamel kanina ang sasabihin niya ng biglang papilahin kami isa-isa para makuha ang susi ng mga dormitory namin.

Nasa unahan ko si Karamel sa pila. Sa Diyosa ng Vamon, nasa Mahika Departamenta si Karamel, kaya laking gulat ko kung paano nangyari na nasa Departamento Talento siya.

Dahil ba maaga kami nag-aral? o tinatago niya ang kakayahan niya?

Papalabas na sana kami ni Karamel ng Matoryum ng sinalubong kami ng mga lamesa, at ilang mga tauhan ng paaralan, inabutan ng ang room number, susi ng kwarto at pinapirma na nakakuha na kami ng susi.

Napaupo ako at saka sumilip sa bintana. Tanaw rito ang statue. Mabilis ako na tumayo.

Tutuparin niya ang hiling pag may sampung sandwiches 'di ba?

Kung gayon, hihilingin ko na sagutin niya ang lahat ng katanungan ko.

Mabilis ako na tumayo at saka lumabas ng kwarto.

Aalamin ko kung paano gumawa ng chicken sandwich.

Suot ang isang balabal lumabas ako ng kwarto ko kahit 10:00 na ng gabi. Narinig ko kanina sa orientation na pwede kami pumunta sa training center at library at sa ibang school amenities kahit na anong oras maliban lang sa dormitory ng opposite sex.

Kahit na may library dito sa Departamento Talento, mas pinili ko pa rin sa main library dahil sinabi ni Leriko na lahat ng libro na maaring kailanganin ay nandoon.

Tahimik ako na naglalakad papunta sa main library kahit na gabi na, marami pa rin na mag-aaral ang halatang busy sa buhay nila. May ilang nakaupo sa bench at nagbabasa, iyong iba ay may hawak na espada, at may iilan na nag-uusap tungkol sa magic.

Ang productive naman ng buhay nila, tapos ako naghahanap lang ng recipe.

Hindi ganoon kadilim ang paligid dahil sa dami ng ilaw, sa katunayan, para akong nasa isang night festival sa dami ng pailaw.

Nang marating ang main library, agad akong pumasok at laglag panga na tumingin sa pito na floor na mukhang puro libro lang ang laman.

Kasing taas nito iyong school ko nung elementary ako.

Mahahanap ko pa ba iyong hinahanap ko? Sinipat ko ang paligid ang laking tuwa na mukhang meron sila na information center, Mahipormasyon.

Eto nanaman tayo sa may "Ma" sa unahan.

Agad ako na lumapit dito at nagtanong, "Magandang gabi, itatanong ko lamang sana kung nasaan ang mga aklat tungkol sa pagluluto?" pagtatanong ko, sandali ako tiningnan ang matandang lalaki, ngumiti siya ng bahagya at nagsalita, "Sa ika-apat na palapag sa dulong bahagi sa may kanan." sabi niya at saka ibinalik ang tingin sa pagbabasa.

Tumango ako bago umalis at saka tahimik na nagpasalamat, mayroon na hagdan sa library na ito, isa siyang paikot na staircase, pero mas pinili ko na gumamit ng elevator nila. Kapareha lang ito sa elevator sa earth, ang kinaibahan lang, wala akong makita pwede na paglagyan ng lifting beam.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon