Kabanata 37

532 19 16
                                    

Paano ba gumawa ng chicken sandwich?!

Pero legit naman 'yong grant a wish 'no? Kasi founder siya?

Walang google sa mundo na 'to, wala rin na cellphone. Hindi ko magagawa iyong one click away tapos may results na.

"Aleyra, nakikinig ka pa ba?" tumingin ako sandali kay Leriko bago ko ibinalik ang tingin ko sa daan.

"Sa katunayan...hindi ako nakikinig sayo." sagot ko at saka nag-isip ulit kung paano ba gawin 'yang chicken sandwich.

Tinapay, mayonnaise, tapos chicken? Anong part ng chicken?

What if isang buong manok ang ilagay ko?

May chicken sandwich spread ba sa mundo na 'to? 'Yong nabibili lang sa sachet na tig-sampung piso.

Hindi pa ako nakakagawa ng chicken sandwich sa buong buhay ko. Ang kaya ko lang ay maglagay ng palaman sa tinapay.

"Aleyra. Kailangan mo makinig–" hindi ko na pinatapos si Leriko sa sasabihin niya ng magsalita ako.

"Kuya, 'san 'yung library nila?" tanong ko kay Leriko na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Laybrari...? Ano iyon?" tanong sa akin ni Leriko pero wala pa na ilang segundo ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Ah... ano... mas pinaikling tawag sa silid-aklatan...?" patanong na sagot ko sa tanong ni Leriko na ngayon ay mas lalong kumunot ang noo.

"Paanong mas pinaikli 'nun ang silid-aklatan...?" tanong niya pabalik sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, ang tanga ko sa part na nawala sa isip ko na wala nga palang english sa mundo na 'to.

Pero paano nangyari na marunong iyong founder nila?

Pinili ko na 'wag na lang sagutin ang tanong ni Leriko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na–"Ah, english 'yon bhie, wala kayo nun sa mundo niyo hehe. Sorry ka na lang. Mwamps"

"Saan iyong silid-aklatan?" pagtatanong ko ulit, halata man na gusto akong tanungin ni Leriko, mas pinili niya na lang ituro ang daliri niya sa isang malayong direksyon.

"Tunay nga na hindi ka nakikinig..." mahinang sabi niya sa sarili. Ngumiti na lang ako at saka tumango, "Masyado kasing marami kuya... at sobrang laki ng lugar, hindi ko talaga makakabisado agad 'yan. Mahirap kabisaduhin 'yan duh." sabi ko na mas lalong nagpataas ng kilay niya.

"Puro ka kalokohan." sabi niya, "Sa likod ng hardin. Naroon ang silid-aklatan na para sa lahat ng departamento." sabi niya pa. Hindi ko matanaw iyong tinuturo niya dahil puro matataas na puno lamang ang nakikita ko.

Garden niyo 'yan? Sure ba kayo na hindi forest? Final na? Garden talaga? Parang pwede na ako magtanim ng talbos ng kamote diyan tapos ibenta ng 15 pesos kada kumpol.

"Ibig sabihin kuya...lahat ng libro andoon?" tanong ko pa ulit dahilan para iikot ni Leriko ang mata niya.

Dudukutin ko na 'yan.

"Naroon lahat," sagot niya.

"Lahat-lahat?" pagtatanong ko pa.

"Oo."

"Lahat-lahat?"

"Oo."

"Lahat-lahat na lahat-lahat?"

"Oo."

"Sigurado 'yan?"

"Oo."

"Paano pag wala roon 'yong hinahanap ko?"

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now