Kabanata 19

985 56 5
                                    

Nasa loob na kami ng karwahe ni Leriko na mukhang aburido at pagod na sa buhay. Kung hindi lang siguro prinsipe si Heriyo, binalibag niya na 'yon.

Sayang.

Matapos kasi siyang guluhin ni Heriyo, kinaladkad na ako ni Leriko pabalik sa lugar kung saan nakatambay iyong kutsero. Naabutan pa nga namin na nakikipaglandian sa nagbebenta ng mga candy.

Harot.

Pero in all fairness, gwapo sila sa game, pero mas gwapo sila sa personal. Literal na handa mo na ibigay ang lahat ng pera mo makita lang sila ng malapitan.

Kung idol lang sila magpapa-billboard talaga ako ng–"sayo na lahat ng pera ko basta akin kayo!"

Ganung atake siguro ang gagawin ko.

"Maraming babae ang prinsipe." biglang sabi ni Leriko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Sinong kausap niya?

Hindi ko siya iniimik dahil para sa akin, mukha siyang nasisiraan ng bait.

Sira na ata.

"Makinig ka, wag na wag ka na papatol sa lalaki na 'yon." Seryosong-seryoso na sabi niya habang nakatingin parin sa bintana.

Lalaki? okay... na maligno ba siya?

"Naiintindihan mo?" Tanong niya sa bintana.

Sige, sasagutin ka ng bintana.

"Kinakausap kita." Mas seryoso pa na sabi niya.

Bintana, utang na loob. Sagutin mo na siya

"Aleyra!" Halos napatalon ako sa pagkakaupo ko 'nung sinigaw niya ang pangalan ko.

"Po?" Mukhang tangang tanong ko. Huwag mo sabihin na sa akin mo isisisi kung bakit hindi ka sinagot ng bintana na 'yan!?

"Maraming babae ang prinsipe, huwag na huwag ka na magpapaloko sa kanya, naiintindihan mo?"

Eh? Bakit nadamay si Heriyo dito?

"Naiintindihan mo?" may pirmi at mas seryoso niyang tanong sa akin

Sasagot sana ako ng hindi ko naiintindihan kaso baka ngayong araw na ang maging araw ng libing ko.

"Opo..." sagot ko dahilan ng paggawad niya ny tipid na ngiti na agad din naman niyang binawi.

"Pero bakit kuya?" tanong na nagpa-ismid sa kanya.

"Basta."

Woah, nasagot 'nun ang lahat ng katanungan ko sa buhay.

"Kailan at saan kayo nagkakilala ng prinsipe, kuya?" Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

Sasapakin ko na sana siya lalo na 'nung bigla niya akong tinarayan.

"Nagkakilala kami 'nung araw kung saan ipinakilala ang magiging tagapagmana ng bawat pamilya." To make it short —"Na-meet ko ang hampas lupa 'nung pinakakilala ang magmamana ng kayamanan natin. Wag ka maiingit."

Tumango-tango nalang ako at nanahimik, baka kasi mapikon pa sa akin.

Asar talo pa naman 'to.

Napahikab ako ng hindi namamalayan. Ngayong nakaupo na ako at mukhang nadagdagan ang problema ko dahil kay Heriyo. Na hindi ko alam kung bakit ko siya nakita at kung bakit ko nakalimutan ang mukha niya. Idagdag mo pa na hindi ko rin alam na frennys pala sila nitong si Leriko.

Inaantok na ako. Iidlip muna siguro ako kahit limang minuto lang...



Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now