Kabanata 33

720 25 19
                                    

Suot ang makapal na salamin para makakita ako ng malinaw, nakaupo ako ngayon sa upuan na gawa sa kahoy.

Nanaginip ba ako?

"Anak, inumin mo muna 'to. Mukhang hindi maganda ang gising mo ah?" nakangising tanong ni mama habang inaabutan ako ng isang baso ng kape.

Palpitation here I come.

"Anlaki-laki mo na, para ka pa rin na bata." dagdag na asar niya pa.

"Feel ko rin ma, binangungot ata ako." natatawang sabi ko naman sabay higop ng kape.

"Ito, pandesal. Lagyan mo ng peanut butter." sabi ng mama habang inaabot sa akin ang tinapay.

Kahit na para akong lutang, kinuha ko pa rin iyong pandesal at saka nagsimulang kumain.

"Siya nga pala, bakit andumi nung suot mo na damit kagabi? Gumulong ka ba sa putikan?" Kunot na tanong ni mama habang nakataas ang isang kilay.

"Ah?"

"Iyong damit mo, ang dumi. Puro lupa." ulit niya pa

Huh?

"Naku lang Naomi, wala ka na katulong dito, umayos ka." nagbabanta na sabi ni mama.

Nasobrahan ba ako sa tulog? O nasobrahan iyong panaginip ko? Kaya parang wala akong maalala sa nangyayari.

Ang alam ko...patay na ako at napunta ako sa loob Diyosa ng Vamon.

Diyosa ng Vamon!

"Naomi ano ba!" Hindi ko na pinansin ang naging sigaw ni mama. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at saka pumasok sa kwarto ko at mabilisang hinanap ang cellphone ko.

"Ano nga ulit 'yung password ko?" tanong ko sa sarili ko habang kagat-kagat ang hinlalaki ko na daliri.

Kadugyot

Paano ko nakalimutan 'yung password ko? Nakabukas ngayon iyong cellphone ko na nanghihingi ng password.

Paano nangyari na hindi ko maalala?

Napasabunot ako ng buhok ko at pasalampak na naupo sa kama.

Dala ba ng pagod kaya parang bangag ako ngayong araw?

O nasobrahan ako sa kakalaro ng Diyosa ng Vamon kaya parang wala akong maalala?

Anak ng...

Inis ako na humiga at nakatitig sa cellphone ko na hinihingi ang pin ko.

"Alam ko na!" mabilis akong bumangon at saka nagsimulang mag-type.

"0812"

Parang kidlat sa bilis ko na naalala iyong password ko, August 12 ko binili ang cellphone ko, kaya ayun na rin ang naisip ko na gawing password.

Gusto ko i-celebrate ang anniversary ng phone ko.

Bumuntong hininga muna ako bago nag-swipe sa phone. Masyado ata akong nabaliw sa laro kaya pati pagtulog ko nadala ko na.

Masyado rin siya na realistic para sa panaginip.

Eh?

"Nabura ko ba?" tanong ko sa sarili ko habang kinakalikot ang cellphone.

Aminado ako na hindi ganun kalakihan ang storage ng cellphone ko, at madalas din na mag-lag ito pag naglalaro ako.

Pero impossible naman ata na burahin ko ang nag-iisang libangan ko.

"I-download ko nalang ulit." binuksan ko ang playstore at saka nagsimulang magtipa sa keyboard.

"Diyosa ng Vamon..." basa ko pa habang nag-ta-type sa phone. Matapos ko na pindutin ang search button.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon