Kabanata 21

1K 49 3
                                    

Hindi ako sigurado kung natatae ba ako o kinakabag lang.

Matapos kasi ng hapunan namin ni Leriko, naiwan ako na nakatunganga sa harap ng dining table.

Bastos kausap

Sa katunayan, di ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ng expression ng mukha niya. Kinakabag rin siguro?

Pangit rin kasi ang ugali niya.

Sinalampak ko ang sarili ko sa queen size na higaan na gawa ata sa bulak dahil sa sobrang lambot.

Sa sobrang gulo ng utak ko, gumulong-gulong at nagback-flip ako sa higaan. Nandon 'yung kinakausap ko na ang sarili ko. Kulang na lang maglaro ako ng bahay-bahayan.

Ayoko na.

Ang bigat sa pakiramdam, bakit kailangan ko pa na mag-exam sa harap nila? bawal ba na tanggapin na lang nila ako? sa kanila naman na nanggaling na hindi ako nandaya.

Letsugas.

Ano ang drama ng mga 'yon?

Kahit na gusto ko na magwala dahil sa inis. Minabuti ko nalang na ibaling ang atensyon ko sa mas mahalagang bagay—pagkain.

Mabilis pa sa alas-kwatro 'yung naging tingin ko sa comfort room ni Aleyra na may convenience store sa loob. Tumayo ako at halos patakbong nagpunta sa dreamland.

Pagpasok na pagpasok ko, kumuha agad ako ng cookies at cream puffs. Nung nagpunta kami ni Leriko sa bayan at nang maligaw ako na parang aso, at nung makita ko 'yung sarili ko sa glass wall. Doon ko narealize na mukha akong tanga at gusto ko na kumain ng cream puffs.

Umupo ako sa couch at nilapag ang mga nakuha ko na pagkain sa coffee table. Pansin ko lang, nitong mga nakaraan, puro ako kain. Hindi naman siguro magagalit si Aleyra kung masisira ko ang sexy figure niya, diba?

Dapat sisihin ni Aleyra 'yung mga chef at masasarap na pagkain na meron sila. Kasi hindi naman ako kakain kung hindi masarap, diba?

Sige, pagtanggol mo sarili mo.

Matapos maubos ang biyaya, tumayo na ako para sana lumabas. Pero natigil ako ng may biglang liwanag na nanggaling sa bookshelf ni Aleyra.

Nilapitan ko 'yung unang shelf kung saan nanggaling iyong liwanag. Hindi siya ganun na nakakasilaw, sa katunayan, para akong inaakit ng liwanag na lumapit sa kanya.

Enebe, nilalandi ako ng ilaw na 'to.

Hindi naman siguro ako kukunin ng liwanag na ito ano?

Kahit na nag-aalangan, nilapitan ko iyong shelf, at doon ko napagtanto na nanggagaling iyong liwanag sa isang... libro?

Hindi ako sigurado sa pwede na mangyari pag dinampot ko ito, pero sinisigaw ng mga bulate ko sa utak na kunin ko ito para buksan, at dahil chismosa ako, kinuha ko na.

Hindi siya ganon kakapal, hindi rin siya ganun kaluma. Pero iba ang pakiramdam ko nung mahawakan ko siya. Kulay itim na may pinaghalong dilaw ang cover nito.

"Aley–" hindi ko na natapos ang pagbasa sa title, dahil nang ipadaan ko ang daliri ko sa medyo malabo lettering ng title ay nakaramdam ako ng presensya.

Na-uutot ako.

Susmaryosep. Baka ikamatay ko pagpipigilan ko.

Noong ibubuklat ko na sana, bigla na lang itong lumutang dahilan para mawala siya sa pagkakahawak ko.

Ayaw niya ata sa akin, kung ganoon pinapalaya na kita. Paalam may saltik na libro.

Pa-hard to get.

Villainess ata Ako?Där berättelser lever. Upptäck nu