Kabanata 22

1K 45 5
                                    

"Ayos lang ba kung kakalma at pipirmi ka sa iyong upuan?" Sita sa akin ni Leriko dahil ang likot-likot ko habang naka-upo sa karwahe.

Kung pwede lang sana mag jumping-jacks dito ginawa ko na. Wala kasing enough na space. Di ko tuloy malabas 'yung excitement ko na masakal si Christmas tree dahil sa kalokohan niya.

Pasado na ako tapos mag-eexam ako ulit? Siraulo ba siya?

"Kinakabahan ako, kuya..." parang bata na sumbong ko.

Alam ko na hindi pa kami ayos ni Leriko-da-bruhildo. Pero kasi, sumama siya dito para sa akin, tapos naka-bitch face lang siya kanina pa.

Hayop.

Mahipan ka sana ng masamang hangin, kainis ka.

"Buti na lamang maaga tayo umalis, kung hindi baka hindi tayo umabot sa iyong pagsusulit." Seryosong sabi ni Leriko na nagpakunot ng noo ko.

"Kuya, alam mo ba kung anong oras na?"

Tumingin siya sa akin na parang nagtataka, kinuha niya naman 'yung pocket watch niya sa bulsa ng suot niyang pants.

"Dakong ala-sais ng umaga." Seryosong sagot niya sa akin.

"Ano naman ang oras ng aking pagsusulit?"

"Mamayang alas-nueve." sagot niya ulit.

"Anong oras na ulit?" Paglilinaw ko, mukha namang naiinis na rin siya sa nangyayari.

"Ala-sai-" Di niya na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla akong sumingit.

"Jusmiyo! 6 palang! ginising mo ako ng alas-sinko! Anong sinasabi mo na mahuhili tayo?" Singhal ko na nagpatahimik naman sa kanya.

Hindi si Belina kung hindi si Leriko ang gumising sa akin kaninang 5:00 ng umaga.

Sana si Belinda nalang ang gumising sa akin.

Umalis kami sa mansyon nila ng 5:50. At ngayon, 6:10 palang ng umaga.

Wala rin na traffic. Ang karwahe lang namin ang narito sa isang malawak na kalsada. Tanaw ko na rin mula sa inuupuan ko ang UnibersitMahi. Kaya paano kami malalate? sobrang aga namin!

"Anong mahuhuli? kahit ata isang-daan na karwahe ang nandito hindi pa rin ako mahuhuli!" dagdag na atungal ko pa dahilan para iiwas niya ang tingin niya sa akin.

"Ano ba yan!" reklamo ko pa sabay pabato na sumandal sa upuan ng karwahe.

"Inaantok pa ako..." tuloy ko pa, napatingin ako ng bahagya sa kanya at kita ko na nahihiya siya sa nangyayari.

Nakokonsenya na ang lolo niyo.

Pinikit ni Leriko ang mga mata niya, para maiwasan siguro ang kahihiyan.

"Kuya." tawag ko sa nakapikit na si Leriko.

"Pssst...kuya..." tawag ko muli. Dinilat niya ang mga mata niya at binigyan ako ng isang matalim na irap.

"Kuyaaaa~" Pagpapacute ko pa pero ang kupal, binigyan ako ng isang nakakadiring tingin. 'Yung tingin niya sinasabi na-"Beh umayos ka, nakakadiri pls."

"Pagkatapos ng pagsusulit ko, hanapin natin 'yung parke! 'Yung doon sa may bayan? Alam mo sobraaang sakit ng paa ko kasi bigla kang nawala sa paningin ko. Ang sakit kaya sobra! Dali na, hindi naman tayo natuloy nung huli nating punta kasi hinila mo ako paalis sa harap ni Heri-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong pinutol.

"Oo na, oo na. Pagkatapos na iyong pagsusulit." Napapagod na sagot niya sa akin. Napangiti naman ako ng malawak dahil mukhang maisasakatuparan ko ang plano ko.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now