Kabanata 25

989 45 4
                                    

Karamel Amelluz, gaya ng sa set-up sa ibang mga novels at otome games. Si Karamel ay isang commoner. Siya ang kauna-unahang commoner na nakapag-aral sa UnibesitMahi.

Plot armor

UnibesitMahi. Lugar kung saan ang bawat isa ay pantay-pantay.

Walang mayaman o mahirap.

Walang malakas o mahina.

Walang nakakataas.

Kalokohan!

Parang tinta na nakasulat lang sa papel iyong batas na sa loob ng paaralan ay patas ang tingin sa bawat estudyante.

Isang malaking kalokohan rin iyong lahat ay pwede na mag-aral sa UnibesitMahi. Matindi ang discrimination sa mga commoner sa kontinente ng Vamon.

To be more specific. Kalokohan ang UnibesitMahi. Magdrop-out na kayo!

Halos lahat ng commoner na gustong mag-apply ay walang magawa. Dahil, una sa lahat may kakayahan man sila sa paggamit ng mahika, o may talento na tinatago. Hindi nito kayang pantayan ang bagay na meron ang nobility.

Pero iba si Karamel sa kanilang lahat. Bukod sa matalino, may talent, may kapangyarihan din siya.

Ang palagi na tinatanggap sa UnibesitMahi, ay ang mga nasa middle class at mga noble family.

Middle class, sila iyong nasa gitna ng class pyramid sa mundo ng Vamon.

Royalty

Nobility

Middle Class

Commoner

Slave

Middle class. Hindi man sila ganoon kayaman, pero kahit papaano may sarili silang negosyo. Wala man silang masyadong kapangyarihan pero kahit papaano may pera sila.

Kaya nila magsuhol.

Pero, sa mundo na ito, mas mataas ang tingin sa kanila kumpara sa mga commoners.

"Aleyra, tara na." Narinig ko na putol ni Leriko sa monologue ko.

Panira.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy ang iniisip ko.

Huminga ako ng malalim at taimtim na tumitig kay Karamel na abala ngayon sa pagbitbit ng mga rolyo ng tela.

Pinanganak si Karamel na may kakayahan na manggamot, Hilya. Ang kaso, tinatago niya ito sa lahat. Kung bakit, hindi kasi ito normal.

Di rin normal ang utak ni Aleyra.

Nagdasal si Isabella nung ginamot niya ako. At iyon ang madalas na mangyari, ang mga tao na may kakayahan na manggamot ay kinakailangan muna humingi ng gabay ni Maho. Ganun ang paraan ng panggagamot ng ilang libong henerasyon.

Gabay ni baho Maho.

At dahil hindi na kailangan ni Karamel na magdasal para makapanggamot. Natatakot siya na isipin ng mga tao na galing ang kanyang kapangyarihan sa demonyo.

Sa mundo na ito, kung si Maho ang bathala na tinitingala ng lahat. Si Munyo.

Sasakalin ko na iyong nakaisip ng mga pangalan ng characters.

Si Munyo, ang kinasusuklaman nila dahil taglay niya ang lahat ng kasamaan sa mundo.

Baka si Munyo ang tatay ni Aleyra.

Sa route ni Heriyo, nakwento ni Karamel na, kaya niya ito tinago dahil natatakot siya sa pwedeng gawin sa kanya ng mga tao.

Baka lutuin siya sa apoy.

Villainess ata Ako?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα