Kabanata 11

1.1K 55 2
                                    

Napabalikwas nalang ako ng bangon ng makarinig ako ng katok. Pusta ako ng bente si Belinda yan, si Belinda kasi ang madalas na gumising sa akin.

Mali ako.

Binabawi ko na ang pusta ko. Hindi si Belinda kung hindi ang ina at ama ni Aleyra na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Anak ko, patawarin mo kami kung naabala namin ang iyong tulog. Ngunit nais lang sana namin ng iyong ama ibigay ito sayo ngayong umaga." Mahinahon na sabi niya sa akin habang nakatingin ng marahan.

Maganda ang nanay ni Aleyra, halos kamukha niya pero mukhang anghel kung ngumiti, green na green ang mata niya na parang emerald...

Nilipat ko naman ang tingin ko sa tatay ni Aleyra, malinis siya tignan ngayon, hindi lumuluha, di namumula o di kaya namamaga iyong mata, wala rin na tumutulong sipon, wala siyang dalang panyo na pamunas ng luha... in short mukha siyang normal na tao.

And para mas maging specific... ang gwapo, kamukha niya si Leriko maliban nga lang sa mas maamo tignan ang mga mata ni Leriko kumpara sa kanya.

Napapaligiran ako ng mga magagandang nilalang.

"...Anak?" tawag 'nung nanay ni Aleyra sa akin habang nakalahad iyong kahon na katamtaman lang iyong laki sa harap ko.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa totoo lang hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi, pero parang wala naman akong ibang pagpipilian dahil mukhang para sa akin talaga ito.

Tinanggap ko ito kahit na naguguluhan, hawak-hawak ko iyong kahon na binigay niya sa akin, hindi siya ganon kabigat, sa katunayan sobrang gaan pa nga nito.

Ano kaya 'to?

Sana pera, mga 1 million ganun.

"Buksan mo anak." Utos sa akin 'nung nanay ni Aleyra habang nakangiti, ramdam mo sa boses niya na excited siya na makita ang reaksyon ko.

Tumingin ulit ako sa kanya para kumpirmahin kung bubuksan ko ba talaga iyong kahon o hindi, nakatingin lang siya sa akin at parang sinasabi mo na–"buksan-mo-na-andami-mo-pang-arte" look.

Kahit na naguguluhan, tinanggal ko sa pagkakabuhol ng ribbon na naka-paikot sa kahon. Akmang bubuksan ko na pero huminga muna ako sandali ng malalim, umaasa ako na maaalala ko kung may ganito ba na nangyari sa game. Mga ilang segundo rin akong tahimik, pinipilit ang braincells ko na dating tatlo na ngayon ay dalawa nalang.

Pero wala talaga akong maalala na may ganito. Nung masiguro ko na wala talaga, binuksan ko na ng tuluyan iyong kahon. At tumambad sa akin ang isang...quill?

Kinuha ko ito gamit ang kanang kamay, kulay ginto iyong base niya na may green at yellow na bato sa paligid.

Holy carabao, emerald at amber.

Magkano ko kaya maibebenta ito?

Tumingin ako sa nanay ni Aleyra, hindi ko alam kung anong mukha ang meron ako ngayon, pero sigurado ako na naamoy nila iyong bibig ko. Hindi pa kasi ako naghihilamos o nagmumumog. Kaya tiis-tiis muna kayo sa baho ng hininga ko.

"Nagustuhan mo ba anak? Pinagawa namin iyan ng iyong ina sa isang sikat na artisan mula sa Zamon." Nakangiting sabi ng ama ni Aleyra.

"Inabot ng anim na buwan ang paggawa riyan anak, nahirapan si Artisan Karos sa paghanap ng bato na gagamitin para diyan, ginusto kasi namin ng iyong ama na maging kakulay nito ang iyong mga mata." Abot-tenga ang ngiti niya habang nagpapaliwanag, bakas sa mukha ng mag-asawa ang saya.

Ngumiti nalang rin ako at binalik ang tingin sa kahon, meron din kasi itong kasama na tinta na nasa isang glass na lagayan, na gaya ng nauna...may mamahaling bato rin sa paligid nito.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now