Kabanata 20 - Leriko

1K 49 4
                                    

Leriko

Tila isang malaking pagkakamali ang gumawa ng kahit na anong ingay.

Napatingin ako kay Aleyra habang kami ay kumakain ng hapunan. Hindi ko mahinuha kung saya, lungkot, o takot ang dapat ko na maramdaman sa paraan ng pagtitig niya sa kanyang kinakain na tinola.

Matapos matanggap ang naging resulta ng kanyang pagsusulit, hindi na umimik itong si Aleyra.

Ano kaya ang problema?

"Kuya..." tawag niya sa akin. Kahit anong pigil ko sa kanya na itigil ang pagtawag niya sa akin ng kuya, kailan man ay hindi niya ito sinunod.

Tumingin ako sa kanya at bahagyang itinaas ang aking kanan na kilay. Aking napupuna ang pag-salimuot ng kanyang mukha tuwing siya ay aking tinataasan ng kilay o di kaya ay tinatarayan.

Ngunit sa kabila noon,  batid ko na hindi tunay na galit ang kanyang nararamdaman.

"Ayoko pumunta bukas sa Unibesitmahi..." nagpapadyak na atungal niya.

Tunay na nakakagulat na nagawa iyon ni Aleyra. Siya ang kauna-unahang indibidwal na nakagawa nito. Tunay na kahanga-hanga.

Nais ko man sabihin ang mga salita na —"binabati kita." ay hindi ko magawa. Batid ko sa aking isip na siya ay hindi ko pa napapatawad.

Ngunit, aking aaminin ko na ako ay naguguluhan sa dapat na maramdaman.

Itinuloy ko na lamang ang aking pagkain. Nung araw na siya ay aking namataan sa silid-aklatan, hindi ko mawari ngunit nakita ko sa kaniyang pigura ng pitong taong gulang na Aleyra.

Napatigil ako bigla ng ito ay aking maalala.

Tanda ko pa noon...





Halos ilang buwan na mabuti ang naging pakikitungo sa akin ni Aleyra. Kung paano nangyari iyon, maging ako ay naguguluhan.

Bago naging mabuti ang kanyang pakikitungo sa akin, madalas kung ako ay kanyang awayin at duruin.

"Hindi ko gusto na ikaw ang naging kapatid ko!"

"Umalis ka na dito!"

Halos ganoon palagi ang linyahan niya tuwing nakikita ako.

Ngunit isang araw, aking nabalitaan na nahulog daw siya sa maliit na sapa sa aming bakuran.

Hindi kaya siya ay pinarusahan ni bathalang Maho dahil sa pangit niyang asal?

Dinalaw ko siya sa kanyang silid dahil nabalitaan ko sa aming ina na siya ay inaapoy ng lagnat. Batid ko na noon pa man, ay pabor ang aming mga magulang kay Aleyra. Siya kasi ang kauna-unahang anak na babae ng buong angkan ng Esteban.

Kung kaya ay hindi na ako nagtaka nung siya kanilang araw-araw kung panigan. Ngunit, hindi ko rin maikakaila na ako ay nagtampo at nabahala.

Pakiramdam ko ako ay nawalan ng magulang.

"Magpahinga ka na, sasamahan kita bukas." Sabi ko at tumayo at nagpaalam. Hindi ko makita sa kanyang mukha ang pagkagulat, marahil nasanay na siya sa pakikitungo ko sa kaniya. Ngunit, ramdam ko ang dismaya niya dahil sa pagbabago ng kanyang ngiti.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Hinakbang ko ang aking mga paa paalis sa hapag-kainan.

Habang naglalakad, bigla ko na naalala...

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon