Kabanata 26

1K 42 13
                                    

Patay!

"Ano kasi..." nagpapanic na sabi ko. Takte naman Naomi!

Tumingin-tingin ako sandali sa paligid tapos binalik ko ulit ang tingin ko kay Karamel.

Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Isang simple na baro at saya ang suot-suot niya, kulay balat pero maganda at simple ang itsura.

Ano ang sasabihin ko? hindi naman kami close ni Karamel dahil ngayon lang rin kami nagkita, at sa tingin na binibigay niya sa akin, halata na hindi niya ako kilala.

Mabuti naman.

Alam ko na lahat ng female lead characters ay hindi kilala ang major characters. Palagi silang walang alam kung sino na ba ang binabangga nila.

Ka-umay.

Habang nag-iisip ng palusot biglang pumasok sa isip ko ang isang sobrang gamit na gamit na plot.


Sinehan sa utak bulate ni Naomi

Feeling bida pero kontrabida: Kilala mo ba ako?!

Female Lead: Hindi, bakit? sino ka ba ha?

Magugulat iyong bruha kasi nagulat siya na hindi siya kilala ng maamong bida. Biglang ngingiti iyong feeling bida pero kontrabida, tapos magsasalita.

Ano ba itong iniisip ko, shit.

Feeling bida pero kontrabida: Ang isang katulad mo, hindi ako kilala?! Ako lang naman ang anak ng isa sa pinakamayaman sa mundo.

Matapang na sasagot ang bida.

Female lead: Ano naman?!

Magugulat iyong feeling bida pero kontrabida, tapos doon na sila magsisimulang mag-away. Tapos biglang dadating 'yung male lead para iligtas ang bida.

Tangina.

The end


Baka biglang dumating dito sila Heriyo, Leriko at Marhes at pasabugin na lang ako bigla.

Napahigpit ako na hawak sa dalawang rolyo ng tela na hawak ko. Pero ang pagkakahawak na iyon, lumuwag noong mapansin ko ang pagkawala ng pagkakakunot ng noo ni Karamel.

Iyong nagdududa na tingin niya ay napalitan ng isang malawak na ngiti.

Ang ganda niya talaga.

"Mukhang maganda ang mata ng binibini!" Masiglang sabi niya sa akin habang nagpakawala ng isang malawak na malawak na ngiti.

Babae ka Naomi, babae ka. Pakshet ang ganda niya talaga.

"Paano mo naman nasabi ang bagay na iyon?" pagkukunwaring seryoso na sabi ko. Maganda raw ako? Ikaw ang may magandang mata.

Enebe~

"Marahil napansin mo ang magandang gawa ng aking damit? Tama ka binibini, ang aking mga magulang ang gumawa nito. Ito ay ang kanilang regalo sa akin nung aking ikalabing-walong kaarawan." Natigilan ako sa sinabi niya.

Huh?

Andami niyang sinabi, at dahil mabuti ang aking kalooban, papaiksiin ko ang sinabi niya, — 'Gawa ng aking mother at father ang damit na itech for my 18th b-day, ganda ba?'

Maputi at mala-rosas ang kulay ng balat ni Karamel. At mahirap talaga alisin ang mga mata mo sa kanya lalo na pag nakita mo na.

"Ah! Oo..." Halos pilit na ngiting sagot ko. Hindi ko lubos akalain na ganito kababaw mag-isip si Karamel.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now