0

2K 56 8
                                    

Diyosa ng Vamon, isang otome game na ginawa sa Pilipinas. Hindi lamang ito maituturing na sikat nationwide kundi pati na rin worldwide, nagboom ang kasikatan nito sa kasagsagan ng COVID-19 Pandemic, bukod kasi sa kagwapuhan ng ating MGA male lead, ay maganda rin ang story nito, original, walang katulad! commoner na bida, tapos yung male lead niya ay ang prince, marquis at head ng magic tower. Talented ang bida natin, maganda, matalino at napaka bait!

Free naman siya sa playstore, ang kaso, napakaraming ads! Sa isang pindot may 30 seconds ads na kapalit, kaya ayun no choice ang inyong ate kung hindi bilhin ang mas bonggang version na ito, ehem.

Balik tayo sa storyline, so ayon meron tayong magandang bida na hindi ako, kasi nga kontrabida ako diba? Pero please keep in mind na maganda rin naman ang kontrabida ng kwento na 'to. Si Karamel ang ating bida na ubod ng bait, saksakan ng ganda, ang siyang bumihag sa mga mailap na puso ng bukod sa gwapo (plus sexy body), mayaman na, o saan ka pa? Yon ang gusto natin, una gwapo, pangalawa mayaman!

Kung swerte ang ating bida na si Karamel aba syempre, hindi ako magpapatalo, ako lang naman ang kontrabida ng istoryang ito, ang kontrabida na papatayin ng tatlong gwapong daddi, sa kadahilanang naiingit ako sa ating bida, tapos gusto ko na dapat ako lang ang mahal nila.

Ayon dahil sa inggit binalak ko na lasunin siya gamit si teacup-chan. Ayon nakita ng crown prince tapos boom saksak, tapos dumating yong dalawang hot na male lead na may biceps tas saksak ulit. Triple kill.

Sa isang tahimik at payapang lupain ng Estaban, ay naroon ako, 1st year student sa kursong Bachelor of Science in Accountancy, hindi maganda pero mahilig sa gwapo, ay napunta sa larong ito, matapos masagasaan ni truck-kun. At ang goal ko? Ay mag-aksaya ng pera and lastly, ang makita ang mga male lead na mag-away dahil sa damsel in distress nating female lead. 

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon