Kabanata 15

1K 55 2
                                    

"May balak ka ba na patayin ako?!" Inuubo na tanong niya sa akin.

Hindi ako ang papatay sayo, ikaw ang papatay sa akin.

"At paano mo naman nasabi ang bagay na iyan, kuya?" Pabalang na sagot ko naman, alam ko na kakasabi ko lang nung nakaraan na magiging mabait ako sa kanya, kaso ang lintik, sinasagad talaga ang pasensya ko.

"Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng kuya, Aley–" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang sinubuan ulit, halos mabulunan siya sa ginawa ko pero nginunguya pa rin naman niya.

Ang cute niya, parang si Kokey.

"Masarap ba? Sige lamon ka lang." Nang-aasar na sabi ko sa kanya. Pre, puro lalaki ang kapatid ko, sanay ako sa ganitong ugali.

Masama ang tingin niya sa akin na hindi ko naman na ikinagulat.

Dukutin ko 'yang mata mo, makita mo hinahanap mo

"Ikaw ang nagluto nito?" masungit na tanong niya sa akin sabay hablot ng kutsara pati nung sopas.

Kunwari pa, halata namang nasarapan siya dala na rin siguro ng gutom kaya ganito ang ugali niya.

Abnormal

Tumango nalang ako at umalis sa pagkakaupo sa kama niya. Nilapitan ko iyong upuan niya na nasa study table, para sana dalhin sa tapat niya at nang makapag-usap kami. Irerequest ko sana na pahabain niya ang buhay ko at wag na siya dumagdag sa problema ko.

Pero daig pa niya ang excalibur sa hirap hugutin.

Pinipilit ko siyang buhatin pero wala talaga, hingal na hingal ko na tinungkod iyong kamay ko sa sandalan ng upuan na 'to.

Gawa ata ito sa sama ng loob.

Siguro ginawa ito ni Leriko ang habang iniisip ang pamilya niya na may latak sa utak.

Sinubukan ko na buhatin ulit pero wala mabigat talaga.

Masama ko na tiningnan ang upuan, masyadong pakipot, ayaw magpabuhat. Kung ayaw edi huwag.

Akmang uupo na sana ako ng makarinig ako ng mahinang pagtawa, ng lingunin ko iyon, si Leriko na pilit tinatago 'yung ngiti niya.

"Ang babaw ng kaligayahan mo kapatid." Nakangising sabi ko umupo na ng tuluyan, pero imbes na magalit at sungitan ako, mas pinigilan niya pa lalo iyong tawa niya.

"Kung ako sayo itatawa ko na 'yan, baka sa iba pa lumabas." Sabi ko habang nakasandal ang likod sa upuan.

Dala siguro ng lagnat kaya siya ganito ngayon. Nung hinablot ko kasi si Leriko paupo sa higaan niya, ramdam ko agad iyong init ng katawan niya.

"Hahaha" Mahinang tawa niya.

Tumawa siya.

Tumawa siya!?!?

Napatawa ko si Leriko dahil nagbuhat ako ng upuan?

Bakit parang mas lalong uminit?

Buhatin ko kaya lahat ng upuan kada makikita niya ako?

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatawa siya. Grabe, ang gwapo ng kapatid ni Aleyra. Pinagpalang lubos 'yung pamilya. Mula sa mga magulang at mga anak, nasalo ata nila iyong ganda ng mundo.

Prayer reveal!

Nang maramdaman niya ang pagtitig ko, agad siyang umayos ng pagkakaupo at tumingin sa akin.

"Hindi ko akalain na marunong ka na mag-luto, maraming salamat dito. Maari ka ng umalis." Masungit na sabi niya sa akin.

Adik ba 'to? Kanina tumatawa ngayon naman galit ulit.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now