Kabanata 23

968 49 5
                                    

8:45 A.M na ng umaga. 15 minutes nalang mag-eexam na ako sa harap ni Christmas tree. Pero si Leriko, mukhang hindi pa rin pagod na sermunan ako.

Tama na.

"Paano nalang kung may mangyaring hindi maganda sayo habang wala ako?"

40 times niya ng natanong yan.

"Kuya ayos lang ako, wala kang dapat ikabahala. Aleyra Esteban ata ito!" Proud na sabi ko sabay tayo, pero wala pang ilang segundo umupo ulit ako.

Ang sakit ng paltos ko.

Pulang-pula ngayon ang paa ko, may ilang tuklap din na balat akong nakikita sa daliri ko sa paa.

Bakya!!!

"Ayan! ayan ang napapala mo—" Pinutol ko siya sa sasabihin niya dahil ako na ang magtutuloy.

"—sinabi ko sayo na makinig sa akin! pero ano? hindi mo ginawa!" Tuloy ko sa sasabihin niya sana. Mahigit 20 times ko na kasing narinig.

Napa-peace sign nalang ako sa harap ni Leriko sa sama ng titig niya sa akin.

Pikon.

"Alam mo, hindi ka marunong makinig." Seryosong sabi niya at saka umupo sa tabi ko.

Tumingin ako may Leriko na mukhang natatae iyong itsura. Panay ang tingin niya sa paa ko na bukod sa namumula, namamalat pa.

"Mas makabubuti siguro kung umuwi nalang muna tayo para magamot ang iyong paa." Wala sa sariling sabi niya.

Concern?

Tumayo siya tapos tumingin sa akin ng ilang segundo. Tumalikod siya sa akin at yumuko.

"Bubuhatin kita. Uuwi na tayo." Sabi niya habang nakatalikod parin sa akin.

Ha? Piggy back ride?

Tinaas ko ang kanang kilay ko, kasing taas ng Eiffel tower.

"Kuya, may klinika naman siguro sa loob ng UnibesitMahi, hindi ba?" Takhang tanong na mukhang nag-patigil sa kanya.

Maraming anak na mula sa mayamang pamilya ang nag-aaral sa UnibersitMahi at, matalino si Leriko, pero paano niya nakalimutan na may clinic dito?

Tumayo siya at tumikhim ng ilang ulit bago ako hinarap. "Tama ka, mayroon na pagamutan sa loob ng paaralan na ito—"

Tumingin muna siya sa akin.

"—kukuha ako ng manggagamot." Seryosong sabi niya.

"Kukuha?"

Balak niya ba na kidnapin 'yung manggagamot?

Tumango siya sa akin at nagsimulang tumalikod, akmang maglalakad na sana siya ng bigla akong magsalita.

"Iiwanan mo ako kuya?" Kunwaring malungkot na tanong ko kay Leriko.

Imbes na sagutin ako, isang matalim na irap at pang-malakasang bitch face ang binigay niya.

So much appreciated.

"Binibining Aleyra?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakatayo si Christmas tree suot ang outfit niyang pang-christmas season.

"Punong Madribal, ikaw ay aking binabati." Nakayukong pagbibigay galang ni Leriko na ginaya ko rin.

"Itaas ninyo ang inyong mga ulo." Mahinahong utos niya na sinunod ko naman agad. Mas mahaba ngayon ang bigote niya kumpara nung araw na nag-exam ako.

Gusto niya atang i-braid yan?

"Binibini? May problema ba?" tanong niya sa akin habang nagtatakang nakatingin. Magsasalita pa sana ako para itanong kung anong gamit niyang shampoo sa bigote niya kasi ang ambilis humaba.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now