Kabanata 24

1K 47 2
                                    

"Hindi ko talaga matanggap na kailangan ko na dumaan ulit sa isa pang pagsusulit! Lalo na at, naipasa ko naman na! Para sa akin, sa paningin nila eh nandaya ako kahit na hindi naman!" Kanina ko pang reklamo kay Leriko, na mukhang bagot na bagot na kasi paulit-ulit ako sa kwento ko.

Mula kasi nung makasakay kami sa karwahe, panay ang kwento ko sa nangyari kanina kahit na hindi naman niya ako tinatanong.

Eh sa gusto ko?

Wala lang, trip ko lang siya kwentuhan. Nung una, nakikinig pa siya, pero nung mga sumunod na minuto halatang wala na siyang interest na makinig sa akin.

"Kung gayon, ano ang iyong ginawa?" Tahimik na tanong niya.

"Iyon lang, sinabi ko na parang hindi naman patas, tapos lumabas ako." Mabilis na sagot. Tinaas niya iyong kilay niya at tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala na iyon lang ang ginawa ko.

Dapat ata inupakan ko?

"Bakit hindi mo sila binato ng mga babasagin na bagay? Maari mo silang batuhin ng paso." Casual na sabi niya na parang nanghihinayang na walang dumanak na dugo.

"Eh?" Gulat na tanong ko.

Sige, ganun ang gagawin ko next time.

"Ganoon ang madalas mo na gawin sa akin."

Natigilan ako ng bahagya at napakagat sa ibabang labi. Alam ko na madalas saktan ni Aleyra si Leriko dahil nasabi iyon sa laro.

Aleyra, minus points ka na sa langit.

Huminga ako ng malalim at pinilit na magsalita, pero wala talagang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Pa-patawad..." utal-utal na naging sagot ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita sa bagay na hindi naman ako ang gumawa.

Hindi ako si Aleyra

Walang nagsalita sa aming dalawa. Tumingin ako kay Leriko na tahimik na nakatingin sa bintana.

"Mas mabuti siguro kung uuwi na lang muna tayo kuya." Pilit na ngiti na sabi ko.

Bahagya ko na inikot ang katawan ko para sabihan ang kutsero na sa bahay kami nila Aleyra didiretso.

Alam ko na hindi maganda ang mood ni Leriko, akmang kakatukin ko na sana ang maliit na bintana para matawag ang atensyon ng kutsero. Nang biglang tawagin ni Leriko ang atensyon ko.

"Tutuloy tayo sa bayan Aleyra. Kaya ayusin mo ang iyong pagkakaupo." Nakatitig ako kay Leriko na nakatingin ngayon sa labas ng bintana.

Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya bigla siyang nagsalita. "Nasabi mo kanina na iyong uubusin ang aking pera, hindi ba?" mayabang na dagdag niya habang ang atensyon ay nasa labas.

Kahit na alam ko na galit pa rin siya kay Aleyra. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Napakabuting tao ni Leriko, sayang nga lang at hindi siya nagkaroon ng mabuting magulang at kapatid.

Kahit na hindi ako sigurado kung makikita niya ba na tumango ako matapos niyang sabihin na sa bayan kami tutuloy, ginawa ko pa rin.

Para akong design sa mga shop na tango lang ng tango.

Ilang minuto na binalot ng katahimikan ang karwahe na sinasakyan namin. Tuloy-tuloy lang ang byahe namin. Iyong tahimik na kapaligiran ay napalitan ng mga batang nagtatawanan at naghahabulan.

"Tayo ay nasa bayan na, Ginoo at Binibining Esteban." Bati sa amin nung kutsero. Unang bumaba si Leriko, at gaya ng kaninang umaga. Inalok niya ulit iyong kamay niya para tulungan akong bumaba.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now