Kabanata 4

1.4K 57 12
                                    

Nakatanga akong nakatitig kay Leriko

At isa lang ang masasabi ko

Saksakan ng kagwapuhan ang isang ito, mygash

Green na green ang mata niya samahan mo pa ng mahabang eye lashes, matangkad, itim na itim ang buhok niya, at higit sa lahat maganda iyong panga niya.

Bigla akong nag-sisi na hindi na ako makakatuloy pa sa birthday nong prinsipe na yon.

Kung gwapo ito, edi gwapo rin yong isa

Napailing nalang ako sa sariling kong pag-iisip, mas mahalaga ng di hamak ang buhay ko kesa sa itsura ng ugok na 'yon.

Buntong-hininga ni Leriko ang umagaw ng atensyon ko. Kahit paghinga ang gwapo ano ba yan.

Tiningnan ko siya pero wala pang isang segundo iniwasan ko na ulit.

Nakakatakot.

Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin, ramdam na ramdam ko iyong muhi niya

"Bakit ka nga pala naparito?" tanong ko sa kanya habang sinisipat yong laman nong tray. Kakulay siya 'nung soup na dinala sa akin ni Belinda kanina.

Matabang.

"Sabi ni ina puntahan daw kita, ito kainin mo." sabay abot sa akin ng tray, naguguluhan akong napatingin sa kanya pero ang gaga, tinarayan lang ako.

Dukutin ko mata mo diyan

Walang imik na kinuha ko sa kanya yong tray, at doon ko napansin na hindi lang sabaw ang meron. May kanin, at mukhang chicken barbeque.

Chibugan na!

"Salamat." tipid ko na sabi ko sabay ngiti, kanina pa kumakalam ang sikmura ko, nagwawala na ata yong mga bulate ko sa tiyan dahil sa gutom.

Mahaba-habang katahimikan ang namayani sa amin bago siya magreact ng pagkadrama-drama.

"Nagpasalamat ka?" Napatingin ako kay Leriko, nanlalaki ang mata niya, halos mag letter-"O" na rin ang bibig niya sa pagkagulat kulang nalang tumulo ang laway niya.

Ang OA.

Sampong kurap bago ko mag-register sa utak ang mga nangyayari.

Oo, binilang ko sampo talaga.

Hindi nga pala ugali ni Aleyra na magpasalamat sa mga tao, maging mag-sorry at makiusap. Ganon kasi ang set-up ng character niya, mayabang at spoiled-brat.

Instead na sagutin ko siya, mas pinili ko na ngumiti nalang. Magsasalita pa sana siya kaso lang tinawag siya na aalis na daw sila.

"Mag-ingat ka kuya." Sabi ko bago niya tuluyang masara ang pinto. Walang sinabi yong laki ng mata niya ngayon kumpara kanina, kasing laki na kasi ng ping-pong ball ngayon.

Ang sarap asarin ng isang ito.

Nilapag ko muna sa table yong tray na dala niya bago ko ni-lock ko ang pinto. Sinipat-sipat ko muna 'yung kwarto ko para makasigurado na ako lang talaga ang mag-sa dito.

Kailangan ko makaisip ng paraan para maka-survive, pero bago yon kakain muna ako

Hindi kain kundi nilantakan ko iyong pagkain na dala-dala niya, at isa lang ang masasabi ko, masarap. Iba siya sa mga barbeque na natikman ko non, mas tender yong lasa nito, mas malasa rin yong flavoring. Mabango yong soup, amoy tinola siya. At tama nga ang hinala ko–tinolang matabang.

Gutom ata yong programmer nong ginawa itong game na 'to.

Matapos ko na lumapang, bumalik ako sa study table na nandito sa room.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now