Kabanata 1

1.9K 66 3
                                    

"Gising na siya!"

"Naririnig mo ba kami?!"

"Tawagin ang doktor sa buong bansa!"

"Naririnig mo ba kami? Anak ko?"

Anak?

Parang bida ng teleserye ko na minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang chandelier na nakadikit sa puting kisame.

Chandelier?

Puting Kisame?

Nasaan ako?

"Gising na siya!"

"Salamat kay Bathala at ayos ka na!"

Sinubukan ko na ibuka ang aking bibig, pero no effect walang boses na lumalabas. Isang babae na nasa mid-30's ang una ko na nakita, nakasuot ito ng magarbong baro at saya, katabi nito ang lalaki na naka barong na tumutulo ang sipon habang nakatingin sa akin. Nasa likod naman nito ang mga lalaki na nakaputi.

Wow lakas maka tide.

Tiningnan ko lang silang lahat, yong style ng lugar na ito, parang classical na may touch ng medieval period.

Ang ganda naman ng ospital na ito

"Anak, wag mo na muna pilitin ang iyong sarili na tumayo, kailangan ng iyong katawan ang pahinga." Sabi nung babae habang tinatapik-tapik niya yung lalaki na tumutulo 'yung sipon habang nakatingin sa akin.

Teka? tinawag niya akong anak, kanina ko pa naririnig yon.

Kahit na mahirap, kakayanin ko, malaman ko lang kung bat ako tinatawag na anak ng babaeng ito.

Ang creepy niya

"T-u-tubig" Namamaos na sabi ko, mukha namang naintindihan agad 'nung mga nakaputi, kasi agad silang tumakbo palabas. At wala pang isang ilang segundo, nakabalik sila dala ang bote'ng parang lagayan ng wine.

Mag-iinom ata kami, kung di niyo natatanong, batak ako don

"Binibini, ito na ang tubig na mula pa sa Kontinente ng Namon, aking hiling ang mabilis mo na paggaling."

Kahit na di ako makagalaw ng maayos, dama ko ang paggkunot ng kilay ko

Wow? tubig continent ano daw?

Ako lang ba o ang pormal nila magsalita?

Nang di ko namalayan, nilapitan ako ng babaeng tantsya ko nasa mid-30's at dahan dahan niya akong pinainom ng tubig na galing na galing daw sa Namon.

Mamon ba 'yon?

Matapos niya ako painumin ng tubig, dahan-dahan din niya akong pinaupo. Sa lapit ng mukha niya, napansin ko yong kulay ng mata niya... green, napaka kintab na green, bukod pa don, ang ganda niya. Iyong lalaki naman na uhugin ay tumabi doon sa babae, naka-ngiti siya na nakatingin sa akin, mga mata na kulay yellow...

Yellow at green?

Bukod sa mata nila, pansin din ang kanilang napakaitim na buhok at katamtaman na kulay ng balat.

What the fuck?

Inikot ko yong paningin ko ng hindi dahan-dahan

"May problema ba Aleyra anak?" nagalalang tanong nito sa akin habang nakatingin, ganun din ang tingin nung lalaki na katabi niya, maging ang mga tao na nasa room na ito.

"Aleyra?" Sabi ko habang nakaturo sa aking sarili.

Nagdugtong ang mga kilay nila. Literal na nagdugtong.

"Aleyra? ako?" Tanong ko ulit, pero walang sumagot, instead, nagkatinginan pa sila at tumango ng sabay-sabay.

"Ano ang sinasabi niyo?" Tanong ko nanaman ulit, "Hindi ako si Aleyra, ako si Naomi." tuloy ko pa.

"Hindi naman nabagok ng binibini ang kanyang ulo hindi ba?" Tanong ng lalaking tumutulo ang sipon.

Tumango naman yung mga lalaki na nakaputi.

"Marahil ay nagugutom lamang ang aking anak," natataranta na sabi 'nung babae, halata sa mukha ang pagkabigla.

"Belinda, ikuha mo si Aleyra ng sabaw, madali." mahinahon na utos nito ngunit halata yong kaba niya na parang naiiyak

Anong problema ng mga tao na to?

Nagtatagalog sila, ibig sabihin Pilipino sila, pero yung kulay ng mga mata nila...

Hindi mukhang Pilipino

Wala pang ilang sandali bumalik na y'ung inutusan na kumuha ng sabaw. Ipinatong niya yong stainless na tray sa mesa na katabi ko, tapos non tinanggal niya yong bowl sa tray, tapos itinaas iyong tray dahilan para makita ko ang sarili ko mula roon...

Tapos, hindi ako yon... Hindi siya si Naomi. Babae na katamtaman ang kulay ng balat, maamong mata, pinaghalong yellow at green na kulay ng mata, pink na lips, mahabang may pagkakulot na buhok.

Ang ganda niya...

At doon ko na realize na, hindi ito ang Pilipinas na alam ko at hindi ito ang katawan ko.

Sino ako?

__________________________

~Golden4Sunshine: Hello :>

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now