Kabanata 5

1.3K 56 5
                                    

Mulala, yan lang ang masasabi ko habang nakangisi ng mala-demonyo sa notes na ginawa ko.

"10 ways para mapaamo ang mabangis na Leriko"

Kailangan magawa ko itong plano na 'to ng hindi ako mapaglamayan ng wala sa oras.

Buntong-hininga ko na binaba ang quill na hawak ko ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto "ko".

Macoconsider ko na ba itong kwarto ko kung hindi naman ako ang tunay na Aleyra?

Makikipag-away pa sana ako sa tatlong natitira ko na braincells ng magsalita iyong kumatok.

"Binibini, si Belinda po ito. Narito po ako upang tulungan kayo maglinis ng katawan bago matulog."

Matulog?

Napatingin ako sa bintana, hindi pa naman ganon kadilim pero 'bat matutulog na?

"Pasok." sabi ko, kahit nagtataka kung 'bat kailangan ko maglinis bago matulog. Pasimple ko na inamoy ang kili-kili ko

Mabango naman?

"Hayaan niyong alalayan ko kayo, Binibini." Magalang na sabi ni Belinda habang medyo slight na nakayuko iyong ulo niyo.

Nangangamoy ba ako?

Hindi na ako nagsalita, kasi sa totoo lang, dumudugo na itong ilong ko sa kakatagalog nila. Ang lalim masyado, kaya imbes na magsalita, tumango nalang ako.

Binuksan ni Belinda iyong pinto na sa palagay ko ay comfort room...naman?

Puti ang sahig maging ang dingding ng kwarto na pinasukan namin, may ilang glass cabinet din na may lamang damit, may sofa, may shelves...

Department store ata ito?

Hindi lang kasi isang shelf ang nandito sa kwarto na ito.

Anim.

Anim na shelves na halos dumikit na sa ceiling sa sobrang taas.

Eiffel tower shelves version.

Laking mata ko na nilapitan ang mga iyon, una kong pinuntahan iyong tatlong shelves na nasa left side ko, puro siya libro.

Librong hindi ko maintindihan kung para saan at sigurado akong di ko naman maiintindihan.

Karamihan ng mga libro na nandito ay may kinalaman sa magic applications and magic theories. Mukhang masipag mag-aral itong si Aleyra ah? sayang nga lang kasi hindi talaga siya gifted sa larangang iyon.

Dinala ako ni Belinda dito para maglinis ng katawan, ibig sabihin comfort room ito, pero bakit parang library?

Sunod ko na nilapitan iyong isa na halos puro babasagin iyong lagayan, at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita na puro pabango ang laman ng buong shelf na iyon.

Hindi ata trip ni Aleyra na maligo gamit ang tubig at sabon, mas bet niya ata na mag-wisik nalang ng pabango.

Kahit na windang na windang na ako sa pangyayari, pinili ko na lumipat sa sumunod na shelf na puro cosmetics, body wash, face wash at lahat ng wash-wash na maiisip mo.

Jusmiyo

Titigilan ko na sana ang pagiikot ng mapansin ko ang sumunod na shelf, puro cookies at ilang alcoholic beverages ang laman.

Pulutan niya ata iyong cookies.

Sinampal ako ng kahirapan sa mga nakikita ko, iba talaga ang pamilya nila.

"Binibini?" Tawag ni Belinda ang kumuha ng atensyon ng natutuyo ko na utak.

Bahagya akong tumingin sa kanya at doon ko napansin ang kakaibang tingin niya sakin. Halatang-halata sa mukha niya na naguguluhan siya sa asal ko. Isipin mo naman kasi, kwarto mo ito pero parang first time mo lang makita.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon