Kabanata 12

1K 58 4
                                    

Ginhawa, yan ang naramdaman ko matapos ko malabas ang sama ng loob sa toilet bowl nilang kumikinang sa puti.

Gamit nalang sila ng air freshener at disinfectant if mag-amoy imburnal iyong comfort room nila.

Matapos namin na makarating sa UnibersitMahi, comfort room agad ang hinanap ko.

Napatingin ako ng biglang tumunog ng malakas iyong bell, 8:30 AM.

30 minutes nalang at malalaman na agad nila Don at Donya Esteban na bagsak ang anak nila.

Awit

Kinapa ko iyong bulsa nitong saya ko, bago kasi ako pumunta sa dining room, binilin sa akin ni Belinda na iyong papel kung nasaan nakasulat iyong room number ko ay nasa bulsa mismo ng damit ko.

Buti di nahulog 'nung tumae ako.

"708" Basa ko sa papel.

Napalinga-linga ako sa paligid, halos wala ng tao na naglalakad sa hallway, siguro kasi magsisimula na iyong exam.

Pero nandito pa ako

Tumunog ulit iyong bell, 8:35. Sa hindi malamang dahilan bigla nalang akong nakaramdam ng panic.

"Wag mo sabihing tatakbuhin ko yan?" inis na tanong ko sa sarili ko. Mahabang hallway, parang SLEX iyong haba–charot.

Tinakbo ko iyong hallway kahit na hindi ako sigurado kung may hagdan ba na sasalubong sa akin, para akong hinahabol ng mga pato sa bilis ng takbo ko. Kaya halos mapamura nalang ako ng walang hagdan.

Punyeta

No choice, tumakbo ulit ako pabalik kung saan ako nanggaling kanina, umaasa na nandoon iyong hagdan.

Mas malaki iyong ginhawa na naramdaman ko nung makita ko iyong hagdan. Ramdam ko iyong pawis ko, wag naman sana ako mangamoy.

Sa haba ba naman ng tinakbo ko, daig ko pa iyong nag-marathon sa olympics.

Dapat gawin akong Philippine representative

Kung ako siguro iyong maglalaro, tiyak marami na agad na gold medal itong pinas, late ko kasi nadiscover iyong talent ko.

Sorry guys.

Matapos ko na makalma iyong sarili ko. Tumunog ulit iyong bell. 8:45.

Biglang nawala iyong pagod ko nung nakita ko iyong oras, kung kinakabahan ako kanina, mas kinakabahan ako ngayon.

"Pero parang mas okay na bumagsak dahil late kesa naman dahil sa palakol na score, diba?" Nababaliw na tanong ko sa sarili ko, sasagutin ko sana ulit iyong inner thoughts ko nung may biglang umagaw ng atensyon ko.

Naglalakad siya pababa ng hagdanan. Parang lumiwanag ang paligid, hindi dahil sa umaga na, kung hindi dahil ang gwapo niya.

Golden blond hair at blue eyes, matangkad siya, matangos ang ilong, may panga, pink na pink ang lips.

Mukha siyang manika

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Sino naman itong gwapong ito?

Ahihihi~

"Binibining Aleyra, ano ang iyong ginagawa rito?" Tanong sa akin ng napakagwapong nilalang, pati boses niya ang gwapo.

Nakatitig lang ako sa kanya, ang ganda ng adams apple niya.

Pa-isa–mahabaging langit, maghunos dili ka self!

"Narito ka upang kumuha ng paunang pagsusulit, hindi ba?" Tanong niya ulit na ikinatango ko nalang. Itutuloy ko pa sana ang day-dreaming ng may mapansin ako na nakasulat sa pader na nasa likod niya.

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now