Kabanata 17

995 53 0
                                    

"Inuulit ko, ano ang ginagawa niyo sa aking kapatid?" Mahinahon pero nakakatakot na tanong ni Leriko

Hindi makagalaw 'yung iba, daig pa nila yong nag-ice bucket challenge sa pirmi ng tayo nila.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at pinagpagan 'yung saya ko bago lumakad palapit kay Leriko.

"Kuya! Magandang umaga!" masiglang bati ko sa kanya na nagpabusangot ng mukha niya.

Hindi ko nalang siya pinansin lalo na nung inirapan niya ako.

Isa pa, dudukutin ko na 'yang mata mo.

"Bakit ka naka-luhod sa harap nila?" Tanong niya matapos akong tarayan.

Kalalaking tao, ang talim-talim ng irap.

"Ah, humingi kasi ako ng tawad sa mga nagawa ko." Tipid na ngiti na sabi ko dahilan para mas lalong tumaas iyong kilay niya.

Nakatingin lang siya sa akin at halatang nagsasabi na—"Ituloy mo 'yong kwento mo bruha."

Chismoso

Napakamot muna ako ng ulo bago magsalita, "Hindi kasi naging maganda 'yung pakikitungo ko sa kanila... kaya ayon..."

Actually, humingi talaga ako ng tawad para mabawasan ang papatay sa akin.

"—humingi ako ng tawad sa kanila..." pagtutuloy na sabi ko.

Kasing laki na ng tennis ball 'yung mata niya. Laglag panga na rin siyang nakatingin sa akin na parang isa akong siraulo na baliw.

Aguy

Bago pa siya mangisay sa gulat, nagtanong na ako agad, "Bakit nga pala nandito ka sa kusina kuya?"

Bigla siyang nag-ehem at iniwasan ang tingin ko. Pansin ko rin na tagaktak ang pawis niya sa noo. Parang kumaripas ng takbo papunta dito.

Parang SLEX pa naman iyong hallway nila.

"Masyadong maingay dito sa kusina, bumaba lang ako para silipin. Baka kasi magulat nalang ako at may sinaksak ka na" Seryosong sabi niya sabay talikod palabas ng kitchen area.

Mukha ba na kaya ko na gawin 'yon!?!

Pero teka, maingay? ibig sabihin narinig niya kami dito sa kusina?

Paano naman nangyari 'yun? eh ang layo kaya ng kwarto niya sa dining hall. At sa pagkakaalam ko rin, may noise cancellation ang bawat silid sa bahay na 'to. Kaya impossible na marinig niya.

Parang headset lang, noise cancellation.

Kibit-balikat nalang ako kahit na naguguluhan, baka dahil kasi sa may abilidad siya na gumamit ng mahika kaya ganun.

Aleyra left the chat. Aleyra can't relate.

Sinundan ko si Leriko palabas ng kitchen area, agad siyang nagbatak ng upuan bago umupo. Akmang babatak na rin sana ako ng upuan ng bigla ko na maalala kung bakit ako pumunta ng kusina.

Para ma-posas ni Leriko. Eme lang.

Para SA sopas ni Leriko

Kaya imbes na umupo, tiningnan ko siya at tinanong —"Gusto mo ba ng posas?"

Bahagya niyang tiningala ang ulo niya at nagkunot noo.

"Posas?" Naguguluhang tanong niya, sasagot pa sana ako ng oo, kasi 'yon naman talaga ang dapat, pero binawi ko na dahil baka totohanin niya.

Eshusme, ang lantod.

"Sopas ang ibig ko na sabihin, mukhang may sakit ka pa ata kapatid." Nakangiting sabi ko.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon