Kabanata 3

1.4K 54 7
                                    

Malapit na akong masiraan ng bait.

Una, wala akong time na makapag-panic sa bilis ng pangyayari.

Pangalawa, naiistress ako sa gulo ng mga tao sa paligid. Panay kasi ang ikot nila kakapili ng kailangan ko na isuot.

Kahit ata trash bag babagay kay Aleyra.

Pangatlo, iyong lalaki na kanina pa tulo sipon eh biglang pumasok sa kwarto ko-Aleyra, at biglang sumigaw ng–"hindi pwede, kailangan mo na magpahinga!"

Kung hindi pa pumasok 'yung asawa niya, eh wala pa atang tumigil sa pag-atungal itong isa.

Ika-apat at ang pinakamahalaga sa lahat.

Start na ng game, ilang oras nalang. Ibig sabihin matotodas ako ng maaga.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo muna ako at binuksan ang bintana na nasa gilid lang ng higaan ko.

Queen size bed ata 'to?

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin, ramdam ko 'yung paghiwalay ng panga ko sa sobrang ganda ng paligid.

Tinanaw ko iyong paligid. Maraming puno at bulaklak, meron din na mga paro-paro na lumilipad-lipad.

Alangan gumapang 'yung paro-paro diba?

Bukod sa ganda ng landscape, eh naagaw din ng atensyon ko yong fountain na halos matalo ang commercial ng tide sa sobrang puti

Shuta maygosh

Ang ganda...

Sa ganda ng paligid, may pumasok na brilliant na idea sa utak ko. Hindi ako pwedeng pumunta sa birthday nong sira-ulo na crown prince na yon. Kailangan ko na mabuhay at angkinin ang lugar na ito.

Kahit gwapo pa siya

Hindi ko alam ang pwede na mangyari pag nagkita kami. Wala ako sa mundo ko, nasa loob ako ng laro.

Bigla akong nanlamig noong maisip ko na, may posibilidad na kaya akong ma-control ng mundo na ito.

Paano kung wala akong ibang magawa kung hindi ang gawin ang mga bagay na labag sa loob ko?

Susmaryosep

"Binibini... ayos lang po ba kayo?" naistorbo ako sa gitna ng panlalamig ko na muntik ng mauwi sa pangingisay, 'nung babae na inutusan kanina na kumuha ng sabaw.

"Kung hindi pa po maayos ang inyong pakiramdam, mas makabubuti po na magsabi po kayo sa Don at Donya Esteban." Magalang na sagot niya

Teka...

OO NGA!!

Pwede na hindi ako pumunta sa party na iyon kung sasabihin ko sa parents ni Aleyra!

Spoiled-brat kung tawagin itong si Aleyra, bukod sa bunsong anak ng mayaman na pamilya, mahal na mahal din siya ng kaniyang buong angkan

Kung bakit?

Sa set-up ng Diyosa ng Vamon, si Aleyra ang kauna-unahang babae na anak.

Ilang generation ang nagdaan pero laging puro lalaki ang nagiging anak nila.

Hindi ata nadaan sa posisyon.

Kaya 'nung pinanganak itong si Aleyra, daig pa si Santa Claus sa sobrang dami ng regalo niya.

Kaya malakas ang loob niya na kalabanin itong female lead sa dami ng pera niya

"Binibini?" napatingin ako sa babae na nagdala ng sabaw kanina

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now