Kabanata 36

680 29 36
                                    

"Binibini... mas makabubuti kung hindi kayo papasok. Kakagising niyo lamang po kahapon..." pakiusap ni Belinda sa akin habang sinusuklayan ang buhok ko.

12:00 ng hapon ang official start ng pagbubukas ng klase, pero 8:20 AM pa lamang ay handa na akong umalis.

Marunong ako magbasa ng oras, hindi tulad ni Leriko. Gusto ko lang talaga na maging maaga ngayon sa UnibersitMahi para maiwasan ang sermon.

Mula kasi nung nagising ako, ayaw talaga ako payagan ni Leriko na pumasok sa school. Sabi niya, pwede naman na hindi ako pumasok ng isang linggo o pwede rin naman daw na isang buwan kung gustuhin ko.

Ayan ang gusto ko, walang pasok forever.

Kailangan ko daw bawiin ang lakas ko, pero medyo duling ata si Leriko at di makita na mas malakas pa ako ngayon sa kalabaw. Kahit wala akong malay ng anim na araw, masasabi ko na parang wala namang nangyari. Hindi ako makaramdam ng kahit na anong panghihina.

Halatang hindi ako pinabayaan nung tulog ako.

"Belinda, papasok ako." sabi ko kay Belinda dahilan para malungkot ang mukha niya.

"Ngunit..." hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nung nagsalita ako, "Papasok ako."

Kita ko kung paano siya nadismaya pero tuloy pa rin siya sa pag-aayos ng buhok ko. Hindi alam ni Leriko na papasok ako ngayong araw na 'to, sa katunayan. Palihim ko lamang na inutusan si Belinda na pumunta dito ng maaga at ihanda ang mga kakailanganin ko.

Gugulatin ko na lang si Leriko.

"Binibini...alam ko na wala sa lugar kung sasabihin ko ito..." tumingin ako kay Belinda na abala ngayon sa pagpili ng ipit na gagamitin ko.

"Hiling ko sana kasi na mabago nito ang isip mo at piliin na hindi pumasok ngayong araw na ito..." bahagyang napagilid ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.

Sinasabi nito?

"Nung araw na walang malay ang binibini... agad na pinatawag ni Ginoong Leriko ng plihim ang lahat ng manggagamot sa buong Vamon."

Huh? Buong Vamon?!

Nakatingin pa rin ako kay Belinda at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"Nung sinabi ng lahat ng sumuri sa iyo na ikaw ay ayos lamang, ngunit hindi ka nagigising, kita ko ang labis na pag-aalala sa mata ng ginoo."

Nag-alala si Leriko? Parang hindi naman ata makatotohanan 'yon. Baka takot lang mapagalitan ng parents nila, baka sabihin na di mo kasi inaalagaan iyong kapatid mo.

Kaka-cellphone mo 'yan!

Tuloy pa rin si Belinda sa pagpili ng ipit na gagamitin ko.

'Bat ang daming ipit ni Aleyra? Magagamit niya ba lahat 'yan?

"Nung wala talagang makasagot sa katanungan niya, siya na mismo ang gumawa ng paraan, anim na araw ka niyang binantayan binibini..."

Siya ang gumawa ng paraan?

"Anong paraan ang sinasabi mo?" tanong ko kay Belinda na biglang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti.

"Upang magising ka binibini." nakangiting sabi niya.

Kunot noo ako na tumingin sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Ipaliwanag mo." mabilis na utos ko, lumapit naman sa akin si Belinda dala ang dilaw na ipit na may disenyo na paro-paro.

"Hindi ko rin alam binibini, pero araw-araw ay tila binabantayan ka ng kaniyang kapangyarihan."

Magtatanong pa sana ako kaso inunahan niya ako.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon