Kabanata 32

786 36 7
                                    

Sampung minuto na lang at handa na akong sunugin si Christmas tree maging ang mga elves niya.

"Binibining Aleyra, ayaw mo ba na maupo roon?" nakaturong sabi ni Karamel sa isa sa mga upuan sa tabi ng pintuan ni Paskong puno.

Kahit na nagagandahan ako kay Karamel, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mangamba sa ugali niya lalo na sa narinig ko sa kanya kanina.

Tipid ako na ngumiti at tumango, parang mali yata na nilapitan ko siya noon sa bayan. Ilang beses pa lang kami nagkakilala, pero kung lapitan at kausapin niya ako parang ilang dekada na ang nagdaan.

Umupo kami ni Karamel habang nakatayo naman sa gilid ko si Leriko na parang isang bodyguard.

Nakatingin ako sa kanya ngayon at sabay ko na tinaas ang kilay ko na parang sinasabi na–"Beh, andaming upuan. Upo ka kaya."

Pero parang tanga na nakatingin sa akin si Leriko habang bahagyang nakatagilid ang ulo at iyong tingin niya tinatanong ako kung ano ba ang ibig ko na sabihin.

Ang ibig sabihin ng tingin ko ay tanga ka.

"Ayaw mo ba na umupo?" tanong ko kay Leriko dahilan para itaas niya ng isang daan na metro ang kilay niya.

Guiness world record sa pataasan ng kilay.

"Ikaw." sabi niya sabay turo kay Karamel, "Uupo ako, umalis ka." dugtong niya pa habang nililihis ang turo ng daliri papunta sa upuan na nasa tapat lang namin.

Eh?

"Ipagpaumanhin, ngunit ayoko." sabi ni Karamel at saka tumingin sa akin at ngumiti ng malapad, "Malapit ko ng matapos ang damit na ipinagawa mo, Binibini."

"Ganoon ba...? Hindi ako makapaghintay." kunwaring masaya na sabi ko, hindi ko talaga maiwasan na hindi mailang sa kanya.

Paano ba? ramdam ko na mabuting tao si Karamel dahil 'yun ang set-up ng character niya.

Naka-program siya na maging isang mahinhin...

"Binibini, umalis ka sa tabi ng aking kapatid."

"Ayoko, ikaw ang umalis. Paumanhin."

Tahimik...

"Bakit ba na parang isa ka na linta kung makadikit ka sa aking kapatid?" Ismid na tanong ni Leriko. Hindi ko rin masisisi Leriko sa ugali na pinapakita niya kay Karamel.

Tama naman kasi talaga si Leriko, para sa tao na ilang araw niya pa lang na nakilala, masyado 'malapit' si Karamel sa akin.

Hindi rin marunong magtaray si Karamel, pero...

"Ang binibini ay ang aking matalik na kaibigan." Sagot ni Karamel habang may nangaasar na ngiti sa labi.

Eh?

Hindi nakikipagtalo sa kahit na kanino...

Si Karamel iyong tipo ng female lead na hindi siya makipagtalo sayo lalo na kung ikaw ang naunang nagkamali. Prinsipyo niya kasi na pag mali ka, kailangan mo maintindihan na mali ka. Hindi niya ipipilit ang gusto niya na iparating lalo na kung sarado ang isip mo na makinig.

Wisdom

"Paano kayo naging matalik na kaibigan kung ilang araw pa lamang kayong magkausap?" nakuha ng tanong ni Leriko kay Karamel ang interest ko.

Tumingin ako ngayon kay Karamel, iyong asar na mukha niya kay Leriko, napalitan ng isang maamong tingin.

Ilang segundo na nakatitig sa akin si Karamel bago magsalita, "Dahil alam ko na magkaibigan kami." nakangiting sagot niya habang nakatingin sa akin.

Villainess ata Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon