Kabanata 16

1K 53 2
                                    

Kumakalam na sikmura ang naging alarm clock ko.

Pupungas-pungas ako na bumangon sa kama. Pagkatapos kasi namin mag-usap ni Leriko kahapon, dumiretso na ako sa kwarto para matulog. Hindi ko rin nagawa na magpalit ng damit sa sobrang kapaguran.

Ibig sabihin iyong damit ko kahapon ng umaga, iyong damit na suot ko nung tinakbo ko ang SLEX — Unibersitmahi pala. 'Yung damit na suot ko nung tumakbo ako ng pitong palapag, ay suot ko pa rin.

In conclusion, di pa naliligo ang ferson.

Kahit na inaantok pa ako, sinikap ko na amuyin ang kili-kili ko. At doon ko napagtanto na tama ang hinala ko.

Amoy masalimuot ang amoy ko, amoy lumaban sa madugong digmaan.

Kailangan ko na maligo

Pero diba? maganda naman si Aleyra, siguro ayos lang na mabaho ka basta maganda ka.

Hanga ako sa sarili ko na katangahan.

Matapos ko awayin ang sarili ko kung maliligo ba ako o hahayaan na nalang na maging amoy imburnal. Dumiretso ako sa comfort room ni Aleyra na parang department store sa laki.

Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa banyo na ito. Mas mukha kasi siyang resort, kama nalang ang kulang para ka ng nasa isang staycation.

Matapos ko magwisik-wisik, nagbihis na ako tapos lumabas. Masyadong malamig ang tubig, hindi ko kinaya kaya nagwisik-wisik nalang muna ako.

Wala naman sigurong magagalit kasi kahit maligo man ako o hindi, anak pa rin ako ng mga Esteban

Tanginang logic yan.

Napatingin ako sa orasan na gawa ata sa ginto, 7:00 palang ng umaga. Sakto ang gising ko. Naisip ko kasi kagabi na paglutuan ulit si Leriko ng sopas. Mukha kasing nagustuhan niya iyong luto ko kahapon, simot na simot yong mangkok, wala kahit na anong tira.

Nang matapos magsuklay at mag-ayos lumabas na ako agad ng kwarto, mahirap na baka maabutan pa ako ni Belinda at maamoy niya ako.

8:00 kasi ng umaga kung gisingin ako ni Belinda, andoon yung hihilahin niya iyong kumot ko na halos tumaob ako sa lakas ng pagkakahila niya. Nitong mga araw rin, pansin ko na, hindi na siya ganun katakot sa akin.

Kaya niya siguro nagagawa iyon kasi alam niyang hindi naman ako magagalit.

Di mo sure.

Sa dami ng kalokohang bagay na naiisip ko, hindi ko na namalayan na nasa dining hall na pala ako. Matapos pumasok roon, ay wala pa rin na tao sa paligid, kaya diresto ang naging pasok ko papunta ng kitchen area.

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin, ang napakaraming... tagaluto. Mga bente ata sila.

Kay dami niyo mga kapatid

"Binibini! Ano ang iyong ginagawa rito?" Bati sa akin nung lalaki na tumigil sa paghihiwa nung makita niya ako.

Nang dahil doon, halos napatigil ang lahat sa ginagawa nila, mayroong isa na pinatay agad ang apoy ng magic stove.

Yes po, opo. Magic stove, kahit ako nagulat din diyan kahapon, para siyang electric stove pero imbes na kuryente, parang isang makinang na bato na kulay pula ang nagpapagana sa kaniya.

Sa kakatitig ko sa magic stove na parang gusto ko na rin ibulsa, huli na ng mapansin ko na nakapila na palang sila lahat sa harap ko.

"Magandang umaga, binibini!" Malakas at sabay-sabay na yukong bati nila sa akin.

Medyo nabigla ako sa lakas ng sigaw nila dahil para silang nakalunok ng megaphone.

Instant ear cleaning, nahulog ang lahat ng tulok ko sa tenga

Villainess ata Ako?Where stories live. Discover now