Chapter 12b: Scene

3.4K 82 12
                                    

Chapter 12b: Scene

Coline's POV

"MS. BEAUTIFUULLL!!"

Narinig kong may sumigaw.

Parang pamilyar yung boses, pero di ko na lang pinansin. Ayokong mag-assume. Duh? Imposibleng ako yun.. Ms. Beautiful daw oh.

"hey Ms. Beautiful bakit hindi ka nalingon!" sabi nung lalaking nanggagaling yung boses sa harapan ko

Tapos naramdaman ko na lang na parang may kamay na pumatong sa likuran ko.

"ah? Eh? Ako ba yun?"

Then lumingon ako sa likuran ko. Oh.. Si--sino nga 'toh? Tsk! May memory gap talaga ako sa mga names!

"duh? Eh sino pa ba? Ikaw lang ang Miss dito! The rest kids na" he explained

"eh hindi naman ako beautiful ah!"

"tsk! Don't be so humble."

"uhm di ako humble. Di lang talaga ako maganda"

"whatever. Where's your self confidence?"

"ah eh wala na. sorry. Bakit nga pala?"

"let's go!" tapos itinayo na nya ako mula sa pagkakaupo sa bench

"san tayo pupunta?"

"bro! Pwede bang hiramin ko muna sa Ms. Beautiful sa'yo? May pupuntahan lang kami" sabi nya kay Charlie na parang hindi nya narinig yung tanong ko

"sure bro. Tapos na din naman kami.."

Aba! Ano ako bagay na pwedeng hiramin?

"Coline. Salamat. Sige pasok na ko.. Mahirap malate pag finals. Ingat!" Charlie smiled at me then started to walk

"let's go Ms. Beautiful!" tapos sinimulan na akong hilahin ni FilAm

"hey where are we going!"

Syet. Napapaenglish ako ng wala sa oras. Ang hirap palang makipag-usap sa Kano, baka kasi di nya maintindihan kapag tagalog.

Hinila nya ako dun sa may pa dulo ng park kung san nakaparada ang isang itim na kotse.

"get in"

"ha?"

"get in." tapos binuksan nya yung door dun sa unahan

Ako naman, masunurin. Pumasok na lang ako dun sa kotse para walang gulo. Kahit na wala akong ka-aydi-idea kung saan kami pupunta.

Tsk! Baka kidnap 'toh!

"what took you so long?" bungad samin ng isang Masungit na boses pagkapasok namin sa kotse.

Ewan ko pero parang I felt safe nung marinig ko ang boses na yun.

"pasensya na pare! Mejo matagal kasi itong si Ms. Beautiful ih"

"beautiful? She? Yuck!" sabi nya na may pandidiri habang nakatingin sakin sa may rearview mirror

Yabang ah!

But I was right. Si masungit nga yun.

Bale nasa driver's seat kaming dalawa taz yung Kano sa likod.

So ayun nga pinaandar na ni Masungit yung kotse nya.

Tahimik lang kami sa byahe.

Bakit? Kasi nahihiya pa din ako sa ginawa namin ni Angela..

Pero bakit parang nakalimutan na nila?

Bakit parang walang nangyari at isinama pa nila ako ngayon?

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now