Chapter 17: The Gangster

3.3K 72 5
                                    

Chapter 17: The Gangster

Annie Mae's POV

Nandito ako sa school..

Young, Wild and Free! Bwahaha

Kung itatanong nyo kung okay lang ako?

Okay na okay! After magmoment at magemote ng ilang minuto, okay na ko! Duh? Crush pa lang naman yung nararamdaman ko kay Ivan noh.

Crush means paghanga!

Ewan masyado kasi akong naattract sakanya nung napanood ko syang magbasketball. Taz nagkamoment pa kami sa Palawan kasi magkakilala ang parents namin.. Since then inistalk ko na sya dito sa school lol.. Di ko nga lang malapitan kasi kasama nya lagi yung si Ellaine at mga kavarsity nya..

Pero pramis okay na ko! Sino ba namang hindi magiging okay sa dalawang gallon ng ice cream na ipinalamon sakin ni Lyn! Ahahaha

So back to reality andito na ko ngayon sa XYZ University hina-hunting yung mga prof. ko para makuha ang classcard..

Naglalakad ako ng may nabangga ako..

Napaupo ako sa sahig at nalaglag yung bag ko. Tinignan ko yung lalaking nakabangga sakin. Aba! Nilagpasan ako ng loko!

Nagulat ako nung biglang nahawi yung daan. Nakz! Wala yata sa vocabulary nya ang pagliko at dire-diretso lang sya sa paglalakad habang nakapamulsa.

"hoy hindi ka manlang ba magsosorry?!" sigaw ko

Aba! Ang bait ha! Hindi ako nilingon!

Hinubad ko yung rubber shoes ko sa kaliwa at ibinato sakanya.

Bull's eye!

Sapul sya sa ulo.

Humarap sya sa direksyon ko at galit na tumingin sakin.

Tiningnan ko yung lalaki. Nakablack na leather jacket sya. Oo tanghaling tapat at ang init init! Ang tangkad nya at naka-all black! Mahaba din ang buhok nya. Sya yung tipo ng tao na kung titignan mo mukhang hindi gagawa ng mabuti!

Mukha syang hoodlum!.. Or should I say gangster??

"what the f*ck is your problem?!" galit na tumingin sya na may nanlilisik na mga mata

Aba! Akala nya siguro matatakot ako sa mga tingin nya ha. Kumunot ng noo ko at tinignan din sya ng masama..

"ikaw! Ikaw ang problema ko! Aba! Ikaw na nga 'tong nambangga, hindi ka pa marunong humingi ng sorry!!"

"at bakit ko naman gagawin yun?! Ikaw ang paharang-harang sa dinaanan ko!"

"paharang-harang? Paano ako haharang eh ang lawak-lawak ng daan! At bakit? Kaharang-harang ka ba?!"

Narinig kong napa-'WHOOH' ang mga tao.

Ngayon ko lang napansin.. Nakapalibot pala ang mga tao samin at pinapanood ang eksenang ginagawa namin.

Parang nagkaron ng live show ha! Singilin ko kaya ng tigpipiso yung mga nanonood?

"kagaya ka ng ibang babae jan na nagpapapansin sakin, hindi ba?" ngumiti sya ng nakakaloko

San nanggaling yun?

"kapal dre! Ang hangin grabe! Bakit naman ako magpapapansin sa'yo eh ang pangit mo!" ayan parang shotgun na naman ang bunganga ko

"ako pangit? Bulag ka ba?!"

Inilapit nya lalo yung mukha nya sakin. Ngayon ko lang sya natitigan.

Oo na! Gwapo sya! Tsk! Wala na. Hindi ko na pwedeng bawiin yung sinabi ko.

"malinaw ang mata ko at oo PANGIT ka!! Chaka! Yang itchura mukhang hindi mapagkakatiwalaan!! Now. Tell me. Sinong magkakagusto at magpapapansin sa'yo??!"

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now