Chapter 35c: Run

2.3K 59 2
                                    

Chapter 35c: Run

Coline's POV 

Lumipas ang lingo at lunes na naman.. Ang pinakanakakatamad na araw sa buhay ng isang estudyante..

Malakas ang ulan sa labas at talaga namang nakakatamad bumangon..

Pero wala kaming choice.. ngayon magsisimula ang preparation naming para sa school fest..

“Mae bangon na..” bulong ko sa kanya kasama ang mahinang pagtapik sa mukha nya

“hmmm. 5 minutes..” bulong nya

Kagaya nung Saturday, gabi na din sya umuwi kahapon.. Hindi ko alam kung anong oras dahil nagigising lang ako kinaumagahan na nasa tabi ko na sya..

Mukhang pagod na pagod.. Ano kayang pinagkakaabalahan nya??

Pakiramdam ko talaga may hindi sya sinasabi sakin ehh..

Kumuha lang ako ng uniform sa drawer at tsaka ako bumaba para maligo.. Mamaya ko nalang sya gigisingin pagkatapos kong maligo..

---

After kong maligo ay bumalik ako sa kwarto ni Mae at ayun nakahilata pa din ang lola nyo..

“Mae bangon na..” sabi ko ulit sakanya

“5 minutes” sabi nya na nagtakip pa ng unan sa ulo

=____=

“bangon na preparation ngayon ng school fest dapat maaga tayo” sabi ko sakanya

“hmm..”

Ayaw nya pa ding bumangon haist.

Biglang pumasok si Tita sa kwarto..

“goodmorning po..” bati ko

“hindi pa din ba gumigising si Annie Mae?” tanong ni  Tita

“haay hindi ko naman maintindihan sa batang yan.. wala naming masyadong iniintindi sa buhay.. ako na ang gigising..”

Nagnod ako at pumunta sa isang tabi..

Mae, now you’re dead >___<

“Annie Mae babangon ka jan o chechenelasin pa kitang bata ka?!!!!” malakas na sigaw ni Tita kasabay ng malakas na palo sa braso ni Mae

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now