Chapter 29b: Allowed

2.5K 70 1
                                    

Chapter 29b: Allowed

Coline’s POV

Hindi ko alam…

Pumunta na kami sa classroom namin.. Nandun na silang lahat..

Umupo na si Charlie sa tabi ni Ellaine dahil sa Zach ang katabi ni Angela sa dulo..

Nakita ko si Tyrone at Mae na pinapagitnaan ang isang bakanteng upuan.. Dun ang upuan ko, pero mas pinili ko ang tumabi kay Charlie ngayon..

Nagdiscuss na ang teacher namin sa P.E, court and equipments ng basketball..

Hindi ako nakikinig.. Patuloy lang ang pag-iisip ko ng mga ‘what-ifs’ ko..

“Coline..”

“Coline..”

*PAK*

May bumatok sakin, walang iba kundi ang magaling kong bestfriend..

“aww!”

“lukaret ka! Kanina ka pa kinakausap ni Tyrone tulala ka!” tumingin naman si Mae kay Tyrone, “oh kausapin mo na! Nasa hwisyo na yan..” sabi nya sabay tulak dito papunta sa harap ko

“I---I wanna ask you.. i-if-------“

“tinatanong nya kung gusto nating sumabay sakanila maglunch.. libre ni nya!” masayang sabi ni Mae

Iniligpit ko na ang mga gamit ko, “ahh sorry, may gagawin pa kasi ako ehh.. uhm Mae ikaw na lang muna ang sumabay sakanila ha?” sabi ko at dali-daling tumayo at lumabas ng classroom

Hindi ko din alam kung saan ako pupunta.. Dinala na lang ako ng mga paa ko sa isang malapit na carinderia ilang metro ang layo mula sa school namin..

Hmm. Mukhang masasarap ang ulam at hindi hamak na mas mukhang abot-kaya.. Wala kasi akong nailuto na pambaon namin kanina dahil sa pagmamadali ni Mae..

Umorder ako ng menudo, kanin at monggo.. student meal combo na worth 30 pesos with matching sabaw at pineapple juice pa.. Self service ang patakaran dito.. Kinuha ko ang tray ko at naghanap ng pwesto, ang daming nakain, puro students din pero hindi mga taga XYZ.. Swerte, yung nag-iisang vacant table malapit sa electric fan.. hehe

Hmmm. Sarap ng kain ko.. Minsan nga mayaya dito si Mae..

“mind if we sit beside you?” tanong ng boses ng isang babae, “wala na kasing vacant ehh”

“hmm no, tara share tayo ng table” sabi ko at umurong pa

Nakaupo kasi ako sa pang-apatan na tao na table.. masyadong madaming kumakain dito at ito nalang ang nakita kong bakante kanina..

“thankyou..” umupo ang babae sa tapat ko at tumabi naman sakanya ang isang lalaki

“ako nga pala si Aaliyah at eto ang kaibigan kong si Rhythm..” pakilala nya

“ako naman si Coline..” nagshake hands kami, mukha naman silang mababait

“taga XYZ ka diba?” tanong nya habang nagsisimulang kumain

Tumango nalang ako sakanya..

“alam mo bihira ang may maligaw na taga XYZ dito” itinuro nya ang nasa paligid nya, “kung mapapansin mo puro kami taga ST University..”

“haha malapit kasi sa school nyo I think?”

“oo pero bukod pa dun, ang mga taga XYZ hindi pumupunta sa mga ganitong klase ng lugar..”

“eh? Pumupunta ako ahh pati na din ang bestfriend ko..”

“dahil karamihan sa XYZ ang mayayaman, 10% lang ang mahirap jan at scholar.. samantalang sa STU 50% ang mayaman at 50% ang mahirap..”

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now