Chapter 21a: Enrollment

3.1K 80 1
                                    

Chapter 21a: Enrollment

Coline's POV

"tita ako na po dito" sabi ko na inagaw ang walis kay Tita, "nakapagluto na po ako ng almusal, kain na po kayo"

"ako na dito, sabi ni Mae inatake ka daw nung isang gabi. Sabing wag kang masyadong magpapagod”

Ay tsk! Nagsumbong pala si Mae, sabi ko wag na eh! Naku mababatukan ko yan mamaya!

"aray" reklamo ng may mahinang bumatok sakin

"babatukan na kita bago mo pa ako batukan. Nagtanong sila, sinabi ko yung totoo" sabi ni Mae tsaka lumapit kay Tita

"Nay ako na nga jan! Pumasok na kayo sa trabaho" sabi nya sabay agaw ng walis

"himala Annie, ang aga mo yatang gumising bata ka!" - Tito

"mag-eenroll na po ako mamaya kaya maaga ako"

---

"waaa! Mae isama mo na ako please" pagmamakaawa ko

"ayoko. inatake ka na nung isang araw, nakakapagod magenroll tsaka mainit" sabi nya habang inaayos ang mga papers nya

Napout ako tsaka nagpuppy eyes.

"di tatalab sakin yan"

Waepek tsk!

"please Mae. Magbebehave ako. Di na ko magpapagod. Pleeeaasseeee!"

Nakayuko lang ako. Ayokong magstay dito sa bahay nila ng mag-isa.

"tsk! Sige na! Bilisan mo!"

"yehey!" nagtatalon akong kumuha ng damit sa closet ko sa bahay nila tsaka dumiretso sa cr

Nakasimple white blouse ako at pantalon plus dollshoes, tapos nakaponytail. After 30 minutes tapos na kong mag-ayos. Mabilis ba?

Dumiretso kami sa paradahan ng jeep para mabilis. Nasa pagawaan daw ang kotse ni Mae.

"yuck so cheap!" bungad agad sakin nung isang babae pagkababa ko ng jeep

"eew. Jeep right?"

"kadiri! Poorita much!"

"maybe she can't afford a taxi?"

Tapos nagtawanan sila. Wow ang gandang welcome naman nito.

Sumunod na bumaba si Mae at nagulat yung grupo ng mga babae.

"wait. She's the famous Annie Marasigan right?"

"why did she ride on a jeep?"

"Mae" tawag ko para pigilan sya. Ayoko ng gulo.

"yes it’s me. Famous eh? Oh well bakit ako nasa jeep? Common sense, sumakay ako. Cheap ba? Sensya na ha! Di kasi ako mayaman., at lalong hindi mayabang!" sabi ni Mae na nilagpasan na yung mga babae

Sumunod na lang ako. Grabe! Hanggang ngayon, naaamaze pa din ako sa ganda at sa laki ng University na 'toh.

Pumuputok pala ang buche nitong kasama ko.

"ano bang problema nila sa jeep? Eh mas cheap pa nga silang tignan kesa sa ibang mga nakasakay dun?"

"huy pabayaan mo na. Mayayaman lang talaga yung mga yun"

"mayabang. Kung tutuusin nga mas mayaman ka sakanila."

"di ako mayaman. Si Dad, si Tita, si Beth.. sila ang mayaman.. Tungeks nakalimutan mo na ba? Mas mahirap kami sa daga ni Inay?!"

"ewan. Ikaw lang ang mayaman na hindi mayabang.. Pati yung pera na binibigay ni Tito konti lang ang ginagastos mo, mabubulok yun sa bangko."

"ewan ko sa'yo Mae. Topak ka din, nasa jeep ang usapan napunta sakin? Oh tara waldasin natin ang pera ko libre kita ng monay"

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now