Chapter 33a: With the Gang Part 2

2.5K 60 2
                                    

Chapter 33a: With the Gang Part 2 (Annie Mae Special Chapter)

 

Annie Mae's POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.. Nasa isang malaking kulay black na kwarto ako na may 5 na king size bed.. Nakahiga ako sa isa sa mga ito. Malaki ang kwarto na parang buong bahay na namin.. Tss. ang tapang ng amoy lalaki.

Nasan ako?

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi..

Agad akong napatingin sa braso ko, may benda na ito.. at may blue na parang sabitan.. ahh basta hindi ko alam ang tawag dito..

So ibig sabihin totoo ang nangyari kagabi?

Napatingin ako sa bumukas na pinto.. Pumasok ang isang babaeng may maamong mukha na sa tingin ko ay kasing edad ko lang..

"ako nga pala si Aaliyah. Okay ka na ba?"

"ahh mejo.. salamat sa gumamot ng benda ko.."

"ahaha magaling talaga na Nurse si Avery mababaw lang naman daw ang sugat mo at natanggal na ang bala jan sa braso mo."

"salamat.. uhm nasan ako?" tanong ko ulit habang inililibot ng tingin ang mga mata ko

"nasa hideout namin" nakangiting sabi nya, "alam mo bang ikaw palang ang unang hindi member na nakapunta dito?"

So anong gusto nyang iparating? Na swerte ako at nakarating ako sa hide-out nila?

"ahh ganun ba?"

"oo. Ikaw si Annie hindi ba?"

"panu mo nalaman ang pangalan ko?"

"syempre nagresearch na kami tungkol sayo para makasiguradong hindi ka kalaban hehe clear naman ang background mo" nakangiting sabi nya sakin

Wow ha? Nagpaback-ground check na agad sila? Ibang klase!

"tara, kumain ka muna.. Nandun na ang buong gang.."

"gang?"

"hmm" nakangiti na tumatango pa na sabi nya

"teka.. pwedeng magtanong?"

"ano yun?" tanong nya

"sindikato ba kayo? Criminal?"

"haha mukha ba akong criminal?" tanong nya

Umiling ako. Sa totoo lang mas mukha pa syang mabait sakin >.<

"yun naman pala ehh.. tara na dun.. madami akong inihandang pagkain.."

Dahil narinig ko ang pagkain, pinalampas ko muna ang pagtatanong ko sakanya..

"sige"

Tumayo na ako at sumunod sakanya..

Binuksan nya ang pinto at lumabas kami ng kwarto..

O.O

Lahat mata nakatingin samin.. no, SA AKIN!! Mga tatlong babae at apat na lalaki sila? Pamilyar yung iba, yung iba hindi..

"dun ka muna umupo.."

Nagnod ako at umupo sa itinuro ni Aaliyah na dining yata, kasi nandun sa parang kitchen.. Buti nalang at nakahiwalay ito sa pinakasala nila at may divider.. Nandun kasi ang lahat sa sala yata..

Inilibot ko ulit ang tingin ko sa buong paligid.. Naks! Hide-out nila toh? Parang totoong bahay.. at hindi lang yun, triple ang laki sa bahay namin..

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now