Chapter 25a: CNP

2.8K 66 0
                                    

Chapter 25a: CNP

Coline's POV

Back to our normal life na!

Naging official barkada na kaming 8 (ako, Mae, Ivan, Charlie, Ellaine, Zach,Angela, Tyrone) hehe. Lagi kaming magkakasama ng lunch.. Sabay-sabay kaming nakain at ang masaya may baon na din sila! Natututo sila samin ni Mae!

Required samin na sumali sa atleast isang org. Or clubs.

Kapag uwian hindi kami magkakasabay kasi busy sa kanya-kanyang org. and clubs lalo na si Ellaine na part ng SBO. Madalas na din ang practice ng basketball ni Ivan at practice ng cheerleading squad ni Angela. At ang masaya? Si Zach pumasok na din sa basketball team! Main purpose? Para lagi nyang kasama si Angela

Si Charlie may mga medical chuva. Si Mae sa taekwondo tapos majajudge din sya sa isang cosplay event.

Si Tyrone at ako? Eto nandito sa debate team. Ewan ko ba dito, basta na may masalihan.

Mejo nasanay na din ako ng pinagtitinginan lalo na kapag kasama ko sila.

Mejo nakakapagod na ang klase ngayon, sunod-sunod ang quiz tapos puspusan na ang klase. Next week kasi Prelim na.

After gumawa ng nakakalokang essay tungkol sa Greatest Regret in your life sa English eh dinismiss na kami.

Kung itatanong nyo yung sakin? Wag na puro kaechusan lang ang nilagay ko.

Sabay kaming lumabas ng classroom. Oh well lagi na kaming sabay nyan!  Simula nung araw na magsorry sya ng bongga mas naging close kami. Minsan nya na lang ako sungitan. At masasabi kong achievement yun sakanya.

Naglalakad kami sa hallway ng may makasalubong na babae. Mukhang 1st year din gaya namin.

"Tyrone! I like you!!" diretchong sigaw nya

Kung magtapat naman sya sa harap ko pa talaga! Pang-ilang beses na to! Ouch ha! Parang hindi ako naeexist.

"I don't like you" walang ganang sabi ni Tyrone

Hinila nya na ako palayo. "sorry Miss" sabi ko na lang

"ewan ko naman kasi sakanila! Sa dami ng magugustuhan nila ikaw pa" sabi ko habang hawak nya pa rin ang wrists ko at hinihila palayo, "kung alam lang nila na Masungit ka! Naku!.."

Alam nyo bang ilang babae na ang nagtatapat sa mokong na to? Yung iba niyaya pa syang magdate! Yung iba nagbibigay ng kung ano-ano.

At ang usual reaction nya? Deadma. Hindi nya pinapansin at madalas sinusungitan pa nya. Bad diba?

"ikaw naman kasi Tyrone wag mo masyadong sungitan! Kawawa naman. Babae pa din yun." sermon ko sakanya

"tsk! Nakakainis kasi sila!"

"kahit na!"

Hinila nya ako hanggang sa locker room.

Pumunta ako sa locker room at sumunod sya, bitbit nya kasi ang mga libro ko. Yan eh dakilang utos ni Mae sakanya.

Pagbukas ko ng locker ko, tumambad na naman ang ilang roses, chocolates at love letter.

May mga lalaki din na nagaapproach sakin.. Yung iba crush daw ako, yung iba gustong manligaw.

Syempre nireject ko.. pero sa maayos naman na way.. Hindi dahil sa ayaw ko sakanya kundi dahil ayoko talaga.. Di din naman ako magtatagal dito sa school.. or easy to say hindi na din naman ako magtatagal sa mundo.. Drama ko!

Kinuha ko yung mga roses.. Hmm. May 5 rose ako mula sa iba't-ibang tao. Yung chocolate nilagay ko sa bag pati na din yung love letter sa bahay ko na babasahin. Alam nyo ba na wala pa sa kalahati nito ang natatanggap ni Mae at Angela? Kaya bundat si Mae eh. Yung kay Angela daw si Zach ang tumitira.

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon