Chapter 42d:

1.9K 59 1
                                    

Chapter 42d:

 

Annie Mae’s POV

Nagdidiscuss ang teacher namin sa Computer Fundamentalspero hindi ako nakikinig.. Bakit ba??

Tinadtad ko ng text si Coline pero hindi naman nagrereply.. Tss. Kacheapan kasi gaantxt lang niloload.. pang-Mine nya lang daw yun.. daig ko pa eh unli text (hindi sa lahat ng network) at may 10 minutes call ako.. Oops hindi ako mayaman ha, 10 pesos lang yan.. kaya mag-talk n’ text na.. text TP 10 to **** -- tae ayokong mag-endorse! haha

“oh teka tumatawag si Charlie!!” naisigaw ko ng wala sa oras

“ssshhh!!” saway sakin ni Ivan my loves, wag kayo classmate ko sya dito

Eto na nga lang ang subject na attentive ako ehh.. pero kasi nag-aalala talaga ako kay Coline..

“Ms. Marasigan ano na naman yan?” sigaw sakin ng prof ko

“wala po miss, emergency lang..”

Mabilis akong lumabas ng class.. Iisa lang ang pinto nito kaya automatic na sa unahan ako bumaba at lumabas..

(hello Annie??) mabilis na sabi ni Charlie pagkasagot ko ng tawag nya

“oh? Kamusta? Diba kaklase mo si Coline?”

(oo, half an hour na simula ng mag-start ang klase namin wala pa din sya.. Lumipat kami sa Building II.. Tinetext ko sya or tinatawagan hindi naman sya sumasagot.. Hindi naman ako makaalis ng klase dahil may quiz kami.. pahanap naman sya in no time mag-istart na ang quiz..)

“ahh sige..”

Mabilis akong pumasok sa classroom at kinuha ang bag ko..

“Ms. Marasigan where are you going?”

“emergency Miss..”

“may quiz tayo!”

Wala din naman akong isassagot ehh..

“magi-special nalang po ako!”

“san ka pupunta??” tanong ni Ivan

“nawawala daw si Coline ehh..”

“ahh.. sasama ako.”

“wag na may quiz daw oh.. ako na lang..”

Mabilis akong tumakbo palabas ng classroom.. Pumunta ako sa building nila Coline at tumakbo sa  dapat sana ay classroom nila..

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon