Chapter 30c: Laundry

2.6K 69 2
                                    

Chapter 30c: Laundry

Coline’s POV

Saturday na at ilang araw na din ang lumipas simula ng manligaw si Tyrone.. So far so good naman..

“thanks sa ride!” sabi ko tsaka bumaba ng kotse nya

“your welcome!”

“hey Prince punta ka dito bukas tulungan mo kami..”

Tulungan saan? Bakit pinapapunta ni Mae dito si Tyrone?

“okay.. what time?”

“7 a.m sharp! Mas maaga tayong magsimula, mas maaga tayong matatapos..”

Sharp daw.. pustahan sya mismo hindi magigising ng 7.

“okay..”

“bye.. ingat ka..” sabi ko habang nakaway at inihahatid ang palayo nyang kotse

“tara na sa loob”

“okay..”

Nagsaing si Mae habang ako naman ang nagprepare ng ulam namin, tokwa’t baboy ang menu ko ngayon heheh yun kasi ang medaling lutuin plus ang paborito kong ampalaya..

“tss sabing ayoko nyan ih..”

Kung meron mang nangunguna sa napakaraming opposites namin ni Mae, yun ay hindi nya masyadong pagkahilig sa gulay..Nakain sya ng konti, mas marami pa nga yata ang gulay na hindi nya kinakain kesa sa kinakain nya.. Kaya dapat may side dish lagi na karne or isda ang guiay para kumain sya kasi mas pipiliin nya pa ang mag-ulam ng chichirya.. Ang ipinagtataka ko nga eh bakit ang lakas pa din nya kahit puro walang sustansya ang kinakain nya.. Mamaya wagas na pilitan muna ang magaganap nito..

“bigay lang to ni Nana Pasing kaya tinaggap ko na..”

“tss” nakasimangot na sabi nya tsaka nagbukas ng TV.

Ako naman ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko..

*tok tok*

Door lang ang uso kina Mae hindi doorbell.. Sya na din ang nagbukas ng pintuan..

“Nay, Tay!” nakita ko pang magmano sya kina Tito at Tita, hindi ko naman maiwanan ang niluluto ko..

“magandang gabi po..” bati ko sakanila

“hmm ang bango nyan Coline ahh..” sabi ni Tita

“ampalaya po Tita bigay ni Nana..”

“ahh ganun ba? Bigyan na lang natin sila mamaya nyang niluto mo..”

“sige po..”

“Annie ihanda mo na ang lamesa, magbibihis lang kami ng nanay mo. Pagbaba namin kakain na tayo..”

“opo Tay..”

Pumunta na nga sina Tito at Tita sa kwarto nila.. Pinatay ko naman ang stove dahil tapos na akong magluto.

Tinulungan ko sandali si Mae sa paghahain then bumalik sa kusina para maglagay sa bowl na ibibigay ko kina Nana Pacing..

“Mae ibibigay ko lang tohng ulam kina Nana, bigyan mo na din yung iba nating mga kapitbahay madami naman toh..”

“ahh sige..”

Umalis muna ako sandali sa bahay at tsaka pumunta sa kapit-bahay.. Sa bait ni Nana ay binigyan nya din kami ng ulam nilang ginataang langka.. Isa ito sa nagustuhan ko sa lugar na ito, close ang mga magkakapit bahay, tinignan ko ang luma namin bahay dati ni Inay.. Ganun pa din, iba na nga lang ang nakatira ngayon..

You Gave Me HopeKde žijí příběhy. Začni objevovat