Chapter 23d: That Gangter?

2.7K 73 4
                                    

Chapter 23d: That Gangter?

Annie Mae's POV

Sandali akong natigilan sa sinabi ni Ivan.

Hindi ganun ang intention ko.

At hindi ko ineexpect ang nalaman ko..

“yeah that’s the truth.. and we thought na kahit si Coline hindi nya papaligtasin kung si Tyrone ang pag-uusapan” that was his last words before his phone rings

*ring ring*

Tumunog ang cellphone ni Ivan. Tinignan nya kung sino ang tumatawag.

Nagulat sya at napatingin sya sakin, "si Elizabeth tumatawag.."

Syemay tototo pala yung 'Speaking of the devil?'

"sasagutin ko lang saglit" sabi nya at tumayo.

Nagnod ako.

"wait Ivan."

"bakit?"

"wag nyo din ipaalam sa iba.. Lalo na kay Coline.. ang connection ni Tyrone kay Elizabeth..Please."

"sige. Asahan mo kami ni Ellaine"

Nagnod ako at ngumiti ng pilit.

Lumayo sya ng konti at pumunta sa sulok para sagutin ang tawag ni Elizabeth.

Tanaw ko pa din sya mula dito pero hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila.

Nakangiti sya habang kausap si Elizabeth. Ang saya nyang tignan.

Di ko tuloy maiwasan isipin yung ipinagtapat nya dito nung birthday nun. Ang gulo ng buhay nilang magkakaibigan.

Haist. May konting kirot sa puso ko.

Ang drama ko! Tsk! Di bagay saken!

Bakit kasi nageemote ako eh crush ko lang naman si loko. Yung nga lang tinamaan talaga ang loko sa bruha. Si bruha obsessed kay sungit. Pero boto ako kay sungit para kay bestfriend at may something na sila. Ang malala kapatid ni bestfriend yung bruha.

Ang gulo ng life tsk!

Or should I say ang gulo ng story na to?

---

After 15 minutes kausap pa din nya yung bruha!

Hello naghihintay po ako dito oh!

Kung makangiti sya wagas! Paksyet naman oh! May nasasaktan dito!

Tumayo na ako at pumunta sa Music room.

Nakita kong hinihila ni Zach papunta sa gitna si Angela at magkahawak pa sila ng kamay. Mga damoves ni Zach ah.

Mabuti naman bumalik na ang sigla nya. Grabe kanina kung makapagmumok yan dahil hindi daw si Angela ang partner nya.

Nagsalita na si Zach, "hi everyone! Gusto kong ipakilala sa inyo si Ate Angel.... girlfriend ko."

Nanlalaki ang mata ko nun. Tinignan ko si Angela imbes na matuwa eh mukhang nagalit sya.

Kikiligin na nga sana ako eh..

...kung hindi lang binatukan ni Angela si Zach kasunod ng pagsuntok sa tyan.

"hoy anong sinasabi mo jan? Epal ka talaga kahit kelan!" sabi ni Angela kay Zach

Tapos ay tumingin sa unahan nya na may hawak na instruments, "ah pasensya na. Inventor kasi ang mokong na to kaya ang hilig nyang mag-imbento ng kwento... Hindi nya ako girlfriend at hinding-hindi nya ko magiging girlfriend.. Dadaan muna sya sa butas ng karayom bago mangyari yun.. Kaya wag kayong magpapaniwala dito ha may topak yan at may sapak sa utak" mahabang paliwanag nya

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon