Chapter 31b: AEIOU

2.4K 81 12
                                    

Chapter 31b: AEIOU

Coline’s POV

(Tyrone ------------- > )

“you students at the back.. what is the commotion all about? Wanna share it with us

Students at the back daw.. Lagot kayo..

O.O

Wait.

Nasa back din ako ahh? Kasama nitong mga nagbubulungan..

Eh kami-kami lang naman ang nandito eh..

Parang theater style kasi ang mga lecture hall dito sa XYZ.. Nasa pinakababa yung mga lecturer at nandun din yung white board, taz ang seat ng students, ung pataas ang style, kaya kitang-kita din yung nasa likod.. at kami yun!

Napaayos naman ng upo itong mga katabi ko.. Bigla akong kinabahan..

“All of you, at the back.. Stand up!” maawtoridad na sabi nito

“kami po Sir?” tanong naman ni Mae

Sarap talaga nitong batukan.. Obvious naman na kami ang sinasabihan eh, nagtanong pa..

“sino pa?”

Nangunang tumayo si Mae kaya sumunod naman kami, mahirap na baka sumabog toh kapag hindi kami sumunod..

“So stud--------“

“hoy kayo din tumayo aba!” putol ni Mae sa sinasabi ni Sir, “LAHAT daw ng NASA LIKOD TUMAYO.. LAHAT TAYO NASA LIKOD.. Ang hindi lang tatayo ay yung nasa unahan nakaupo.. Oh ano pang ginagawa nyo at nakaupo lang kayo jan? Sumunod kayo kay Sir.. TAYO!!” sigaw nya sa buong klase

Hahaha! Ibang klase din ang logic ni Mae

Ang mga kaklase namin nagsitayuan nga naman, yung mga nasa 1st at 2nd row na nasa unahan lang talaga ang hindi tumayo.. MGA UTO-UTO!

“SITDOWN!!” sigaw ni Sir, umuusok na ang ilong nya

Umupo naman kaming lahat..

“kayo lang mga nasa likod ang tumayo..” this time nakaturo na sya samin

“oh classmates na nasa likod tayo!” banat na naman ni Mae, mukhang nag-eenjoy syang pikunin tohng si Sir.. Mukhang kanina pa sya nagpipigil na tumawa ng malakas

Nagtayuan ulit yung iba kagaya ng kanina..

“Sitdown!”

Upo ulit.. This time nagtawanan na yung iba, hindi daw nila alam kung sino ang susundin pareho daw may point.. Gusto naming tumawa pero hindi namin magawa, ang sama na kasi ng tingin sa direksyon namin..

“kayo.. you--you--you” turo nya kina Ivan, Ellaine at Charlie “..and you” nakaturo naman sya kay Zach at Tyrone “..you—you—you—you—you Kayo lang ang tumayo..” this time isa-isa na nya kaming itinuro

Naka-pin point na kami >___< Nakakahiya.

Ano naman kayang ipapagawa nito samin??

“tss. kami pala Sir?” pa-inosenteng tanong ni Mae, “nag-effort pa kayong magyu-you.. eh kung sinabi nyo sanang yung nasa PINAKALIKOD lang ang tumayo eh di magkakaintindihan po tayo..” walang modong sabi ni Mae

Porket panget sa paningin nya yung bagong teacher hindi na nya ginalang.. Ayung pulang-pula na sa galit..

“You! Tell me your name?\”

Pansin nyo pa ang hilig nya sa ‘you?’

“Annie Mae Marasigan” walang ganang sagot ni Mae

“so Mae----“

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now