Chapter 57b: Last na Last Chapter :P

3.4K 73 11
                                    

Chapter 57b: Last na Last Chapter :P

Annie Mae's POV

Nandito kaming lahat sa labas ng operating room habang hinihintay ang sasabihin ng doctor..

Magkakahawak kami ng kamay habang umiiyak at paulit-ulit na nananalangin na sana ay maging ligtas si Coline..

Ilang oras pa ang lumipas ng nagmamadaling umalis si Tita.. Gabi na at walang may alam kung saan sya pupunta..

"Tito ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ko

"hindi namin alam.. May pulis na tumawag at pinapupunta kami sa Edsa.. ayaw sabihin kung anong nangyari basta pinagmamadali nalang na pumunta dun.."

Napatango nalang kami..

Ilang oras na naman ang lumipas..

Tiningnan ko si Tyrone sa isang tabi, tahimik at tulala..

Tumayo sya at lumabas..

"san ka pupunta?" tanong ni Bien

"tatae. sasama ka?"

Isang nandidiring mukha ang ipinakita nya sakin..

Inirapan ko nalang sya at mabilis na sumunod kay Tyrone..

Pumasok sya sa loob ng kotse nya.. Nakababa ang bintana kaya mula dito sa labas ay nakita kong umiiyak sya...

Tsk. Tsk. Sabi na ehh bading toh.. 

Joke.. Pero kanina pa kasi sya tulala habang kaming lahat ay umiiyak..

Kelangan ko tong bantayan, baka mamaya magbigti toh, lagot ako kay Coline...

Ilang minuto ko lang syang pinagmamasdan, nakita ko ang mahigpit na hawak nya sa manibela..

Wag mong sabihing....

"syet!"

Ilang minuto nalang ang layo ko sakanya nung tumigil ako dahil may tawag sya sa cellphone nya..

Nakahinga ako ng maluwag.. Imposible namang gawin nya yun..

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon