Chapter 26a: Volleyball

2.4K 57 0
                                    

Chapter 26a: Volleyball

 

Coline's POV

Prelim na pala..

Syempre todo aral ako..

First time ko kayang kumuha ng exam sa College.

Nandito kami sa bahay nina Mae at syempre siksikan kaming lima (ako, Mae, Zach, Tyrone, Angela) sa kwarto nya. Diba maliit lang ang bahay nila tapos dalawa ang kwarto. So ayun bahagya ka ng makagalaw dito..

Bakit kami dito? Ayaw magpagamit ng mayayaman ng bahay nila may mga istorbo daw dun.

Nagbabasa kami tapos konting tanungan.

"uy sa last day daw ng exam practicum tayo ng volleyball sa P.E.." sabi ni Angela habang nagtitingin ng notes

V---Volleyball? Patay! >.<

Baka mamatay ako sa laro >____<

---

Exam Day..

"yes success! Pwede na kong mamatay!" sabi ko na may pagtaas pagtaas pa ng kamay sa ere

Tapos na kasi ako sa lahat ng written exam. 3 days ang test., 2 subject sa isang araw, buti nga maganda ang schedule ko at may time pa ko magreview.. Ngayon tapos na yung last one subject ko na Philosophy! Ang saya nga kasi more on essay yung exam..

Nagulat ako nung biglang may mambatok sakin!

"aray naman Mae" reklamo ko

"lukaret! Anong pwede ng mamatay ang pinagsasabi mo jan! May practicum pa tayo sa P.E!"

"oo na po"

Yun nga lang ang ikinakatakot ko eh.. Yung lintek na practicum na yan.. Bakit kasi nauso pa yun??

"ewan ko naman kasi sa'yo, sandamakmak ang medical certificate mo hindi ka pa nagdala para maexcuse ka"

Yung kasi ang condition, kapag may sakit sa baga or kahit na anong sakit na mabilis mapagod kelangan lang magdala ng medical certificate as a proof para ma-excuse at hindi na maglaro.

"eh di malalaman nila ang sakit ko?? Pati Mae naman sa buong buhay ko ngayon lang ako makakapaglaro ng volleyball eh. Pagbigyan mo na ko"

You Gave Me HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon