Chapter 43b

1.8K 58 8
                                    

Chapter 43b

Coline's POV

Ilang araw akong hindi pumasok.. pero after class bumibisita ang mga kaibigan ko lalo na si Tyrone.

Si Mae ang constant na nagbabantay sakin kahit wala naman syang ibang ginawa kundi ang kumain.

Monday na nung iniuwi ako..at gaya ng sabi ni Dad bawal na akong pumasok..ang daya.. sabi ni Mae tinuruan daw nila ng leksyon ang mga nambully sakin.. nilunod daw nila sa slime tsaka binugbog.. ayun nabatukan ko napakasira ulo kasi..

"hija nanjan ang nobyo mo sa baba.." katok ni Manang sa kwarto

"opo..pababa na po ako.."

Legal kami ni Tyrone.. alam ng lahat na boyfriend ko sya at masaya sila para sakin..maliban sa isa.. at alam nyo na kung sino sya..

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.. nakapajama at tshirt lang ako.. magulong nakauyod ang buhok ko, typical na pambahay.. Hinawakan ko ang mukha ko, pumayat ako lalo at mas namutla..

Napapabuntong-hininga na lang na lumabas na ako ng kwarto ko..

“Masama ang pakiramdam ni Coline. hindi daw sya makakababa" nasa hagdan ako nung marinig ko ang boses ni Elizabeth sa baba

"i see.." tipid ba sagot ni Tyrone

Mula dito ay natatanaw ko sila at bakas ang lungkot sa mukha nya..

sorry Mine..

"I’m running late.. Would you mind kung makisabay ako sayo?"

Please.. wag kang pumayag..

"okay lang. lets go Eliza.."

Hindi pa nakuntento si Elizabeth at kumapit pa sa braso ni Tyrone.. tss.

Malungkot akong bumalik sa kwarto ko.. balik na naman ako sa pagiging preso ko dito sa bahay.. parang gusto kong bumalik ulit kina Mae.. dun kasi walang guard na magbabantay..

si Elizabeth.. yun ba talaga ang totoong sya? kaya ba galit sakanya sina Mae, Angela at Alice?? gusto ko ding magalit sakanya pero hindi ko magawa.. kapatid ko pa din sya at mahal ko sya..

Isa pa tama naman sya.. iiwan ko din naman si Tyrone bakit hindi ko pa nga agahan?? nung last na pag-uusap namin sa ospital..

Isang malaking, "No!" ang sagot nya sa pakiusap ko..

Magiging impyerno daw ang buhay ko hangga’t hindi ako nakikipagbreak.. Buo na ang desisyon ko.. wala na kong pag-asa.. hanggang ngayon walang donor na compatible sakin...

You Gave Me HopeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora