Chapter 28b: Confession

2.6K 72 1
                                    

Chapter 28b: Confession

Coline’s POV

 “kung gusto mo kong ihatid mamaya, wag kang iinom ng alcohol..”

Hindi naman sa assuming ako, pero sya ang nagsabi sakin na ihahatid nya ako pauwi..

“..pero kung hindi, kina Mae na lang ako sasabay at pwede kang magpakalasing hangga’t gusto mo..”

“I don’t drink.. I’ll get us some juice”

Hindi daw sya nag-iinom? Naks! Pogi points.. Ayoko kasi sa mga taong nag-iinom at amoy alak..

Kaya ayoko kasi naiinggit na hindi ko kayang gawin yun dahil bawal sakin… syempre joke lang yun.. Masama kasi ang epekto ng alak sa katawan.. Ayokong magkasakit sa bituka yung ibang tao.. Health conscious much..

Nagsalin na nga si Tyrone ng dalawang juice sa baso..

Dala ko yung dalawang plato habang dala nya yung dalawang baso..

“Tyrone pakuha din naman ako ng juice oh..” nasa likod ko nap ala si Mae na may bitbit na dalawang plato sa magkabilang kamay na puno ng dessert.. Lahat yata ng dessert kumuha sya

“Why would I? Where’s your date? Why don’t you asks him?” masungit na tanong ni Tyrone

Biglang nalungkot si Mae.. Inaasikaso naman sya ni Ivan, yung lang parang mas inuuna ni Ivan si Ellaine kesa sakanya.. Tulad ngayon, si Ivan sumama kina Charlie at Ellaine kesa samahan si Mae sa table.. Kaya nga niyaya ko syang kumain eh,alam kong eto lang ang makakapagpasaya sakanya..

“ahh sige mamaya na ako, thankyou nalang..” nakangiting sabi ni Mae na halatang pilit..

Naglakad na palayo si Mae, tinignan ko muna si Tyrone ng masama bago sumunod sakanya..

“Mae, iyo nalang yung isang juice.. Mamaya na ako..”

“wag na Coline sa’yo na yun.. Iinom ka pa ng gamot diba?

Naglakad nalang kami ng tahimik papunta sa table..

Nandun na pala yung tatlo sa table..

“dami nyan ahh..”pabirong sabi ni Ellaine

Nginitian lang sya ni Mae.. Sinimulan na nyang murderin yung ice cream cake na nasa plato nya..

“whooh Tyrone bagay pala sayong maging waiter hehe” pabirong sabi ni Charlie

Napatingin silang lahat sa direksyon sa likod ko except sakin.. Naiinis ako sakanya..

Nakaramdam ako ng pag-upo sa tabi ko at pagpatong ng isang tray sa harap ko..

“I brought a drink for everyone.. so that my date won’t be mad at me anymore..”

Tinignan ko sya..

“sorry..” he mouthed at me

“wag ka saking mag-sorry hmp..”

“Annie Mae sorry.. It was a joke actually..”

“joke? Eh hindi nakakatuwa eh..” sabi ko naman

“huy Coline awat na.. Tyrone okay lang sakin..”

“you hear it? Sabi ni Annie okay na daw..” lumapit sya at tumingin sakin

Inirapan ko nalang sya..

“hey you Ivan, asikasuhin mo nga yang date mo.. Don’t let her to go alone. She’s your responsibility..” sermon ni Tyrone

“yes Sir..” nagsalute pa si ivan sakanya

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now