Chapter 23b: Play

2.7K 72 2
                                    

Chapter 23b: Play

Coline's POV

Naiwan ako, si Angela at Ivan dito sa kusina.

Si Mae na daw ang maghahatid sa iba.

Si Tita sa sandwich at punch bowl. Di kasi magaling magluto yan haha

Ako naman sa spaghetti at pansit tapos si Ivan sa ulam (menudo, adobo, afritada) tapos si Angela sa desert (gelatin at buko salad) tapos magbebake din daw sya ng cake.

Si Angela kapit pa din ang dslr nya at nagpipicture, lagi nya yung dala kahit saan. Nagpophotography din yata sya, "guys magpipicture lang ako sandali sakanila ha?"

Nagnod na lang kami.

"Coline ako muna ang magluluto!" paalam sakin ni Ivan

"ah sige." Pumayag na lang ako dahil dalawa lang ang stove ditto

"Hija puntahan mo muna sa orphanage ang boyfriend mo. Baka nahihirapan na yun"

"Tita hindi ko po sya boyfriend!!"

Tatanggi pa sana ako pero ipinagtulakan na ko palabas ni Tita.

No choice.

Pumunta ako dun sa classroom sa orphanage, dito sila tinuturuan magbasa, magsulat at magbilang.

Malayo pa lang tanaw ko na ang isang anino na nakatayo lang sa pintuan.

Siguro alam ni Tita na ganito kaya pinapunta nya ko dito. Tumakbo ako papunta sakanya. Tapos nung malapit na, dahan-dahan na akong naglakad papunta sa direksyon nya.

"huy!"

Halatang nagulat sya sakin.

"jeez. Wag mo nga akong gulatin!"

"haha nakakatawa ka kasi!.. Galaw galaw din pag may time!" sabi ko at diretsong pumasok na sa classroom ng mga bata.

"si ate KOYIN!!!" sigaw nung mga bata

Regular handler ako ng orphanage since bata pa ako. Eto na siguro ang pinakamagandang itinuro sakin ni Nanay.

Lumapit sakin lahat ng bata at yumakap.

"okay kids pila muna kayo! May bisita tayo"

Sumunod sila at pumila. 23 sila ngayon. Yung mga baby, may nag-aalaga. Tapos mga age 13-20 nag-aaral sa ALS or vocational. Mga age 5-12 lang ang nandito.

"okay kids palakpakan para sa bago nating kalaro.. Si kuya Tyrone"

Tinignan ko si Tyrone nakatayo pa rin dun sa may pinto.. Kaya hinila ko na sya papasok.

"hello" tipid na sabi nya

"Kids say hi to kuya Tyrone" sabi ko ulit

"HI KUYA TURON!"

Hoy hindi ko tinuruan ang mga batang toh ahh.

"It's Tyrone" sabi nya at tinginan ako ng masama

"hoy wag kang magsusungit sa mga bata, dadagukan kita" bulong ko

"kuya! Bakit po Turon pangalan mo?" tanong ni Aga, 5 years old at ubod ng kulit

Nagtawanan yung mga bata. Kahit ako natatawa na din.

Turon daw lol

"masar-rap po ang turon" sabi ni Vilma, 6 years old

"eh kuya mashar-rap ka din po ba?" tanong naman ni Vic

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko.

Yung mukha ni Tyrone hindi maipaliwanag para naaasar na nagtitimpi na.

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now