Chapter 24a: After the Play

2.6K 64 1
                                    

Chapter 24a: After the Play

Tyrone's POV

"Do you guys know how to play patintero?"

"OPO!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata

"kuya! Yun po ba ral-raruin natin?" tanong nung isang batang babae

"yeah. Sinong marunog maglaro nun?" tanong ko

Nagtaas silang lahat ng kamay.

"kuya dun po tayo sa may semento!" sabi ng isang batang lalaki

Sorry! hindi ko pa tanda ang mga pangalan nila.

Umagree ang lahat kay sumunod na lang din ako sa may cemented na part.

May kumuha ng chalk at nagdrawing ng line.

Siniko ako ng katabi ko, "huy seryoso ka sa Patintero?"

Parang nag-aalangan sya.

"oo nga! Bakit ang kulit mo?"

She's really annoying. Pero ewan ko mejo nasasanay na ko sa kanya.. sakanila.

"bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang naman ako!."

"tsk!" yan lang nasabi ko.

Alam kong hindi naman ako mananalo sakanya.

Nagdrawing ang mga bata sa semento. Square tapos may mga lines.

Si Kulit umupo dun sa may bench.

"hindi ka ba sasali?"

"hindi"

"why?"

"ayoko nun"

"bakit"

"nakakapagod"

"I thought you're different.." I said full of disappointment

"ano ako Alien? different?"

"kagaya ka din pala ng ibang babae na ayaw mapawisan!" then I smirk

"hoy anong ayaw mapawisan? Bulag ka ba? Eh pawis na pawis na nga ako oh!"

"It’s a yes then.. let's go!"

"hoy anong ----------"

Hindi na sya nakaangal dahil hinawakan ko na ang kamay nya at hinila dun sa direksyon ng mga bata.

It's this weird feeling again that bothers me whenever I'm with her.

Maybe because hindi malambot yung kamay nya. More like magaspang. Sabi kasi ni Mae nakikipag-agawan pa sya sa paggawa ng gawaing bahay kahit may katulong na sila. What a weird girl!

"ate sali ka po?" tanong nung isang batang lalaki

Bumitaw sya sakin at umupo para maging kalevel nya ang mga bata.

"oo eh! Pinilit ako ni kuya Turon!" then inayos nya yung puyod ng bata

Tss. Buti yung bata naaayos nya yung buhok, yung sakanya hindi nya maayos.

Yan ang pinagkaiba nya sa ibang babae. The reason kung bakit nasanay na ako sakanya.. Wala syang arte sa katawan.

Pero Kuya Turon tss.

"hey!" tawag ko

"ano?"

"panu maglaro ng patintero. Anong meron sa mga lines?"

Tumingin sya sakin ng hindi makapaniwala. And the next thing I know, binatukan nya ko.

Tsk! Ewan ko nagiging habit na nila yan!

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now