Chapter 19a: Revenge

3.3K 69 0
                                    

Chapter 19a: Revenge

Annie Mae's POV

"MAE!!" sigaw ni Coline

Kasunod nun eh nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan ang bumabagsak na katawan ni Coline sa braso ni Tyrone.

"I already call an ambulance" sabi ni Tyrone

"hahaha ang tanga naman ng kaibigan mo! Nagpapakabayani! Hahaha" tawa nung sumaksak kay Coline

Ewan ko pero parang biglang nagdilim ang paningin ko...

"ANNIE MAE ENOUGH!" bigla ko na lang narinig si Tyrone

Natigilan ako. Dun lang ako bumalik sa katinuan.

At nakita ko ang bugbog-saradong lalaki na kanina ay may kapit na patalim na ngayon ay nakahandusay sa lupa at puro dugo.

Ako ba ang gumawa nito?!

*eeenggg* *eeenggg*

Nakarinig ako ng tunog ng wangwang.

Kasunod ng mga pulis ang ambulansya.

Dinakip ng mga pulis ang mga lalaking naka-black.

"Let's go" sabi ni Tyrone

Natauhan ako. Binuhat nya ang puro dugo din na katawan ni Coline. Sumunod ako papasok sa loob ng ambulansya.

Inaplayan ng first aid si Coline..

"She'll be okay" sabi ni Tyrone na tinatap ang balikat ko

Umiiyak na pala ako.

Bumalik na naman yung dating ako..

Yung Annie na bumubugbog ng kahit na sino..

Yung Annie na muntik ng makapatay..

Yung Annie na walang pakialam sa buhay..

Yung Annie na nakakatakot.. at kinakatakutan..

Yung Annie.. bago pa man dumating si Coline sa buhay ko..

---

"ligtas na sya. Kailangan nya lang ng pahinga."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig yun.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

"thankyou Doc"

Nagnod kami ni Tyrone at lumabas na ng kwarto yung Doctor.

Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Coline na nakahiga sa kama.

Dapat ako ang nakahiga dun..

Dapat ako yung nasaksak.

Dapat ako yung nandun..

Paksyet! Ano bang iniisip nito at talagang humarang pa talaga sya dun sa sumaksak.

Di ba nya alam na napakadelikado sa kondiyon nya yung ginawa nya?

Binuksan ko ang pinto nung ospital.

"where are you going?" tanong ni Tyrone

"Ha-huntingin ko ang may kagagawan ng lahat ng ito" sabi ko "alagaan mo muna sya habang wala ako" paalam ko tsaka tuluyan ng lumabas ng kwarto na hindi hinihintay ang sagot nya

Kelangan ng matapos ang kalokohang ito!

At hahanapin ko ang may kagagawan ng lahat ng ito.

---

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now