Chapter 33b: Check oP

2.3K 64 0
                                    

Chapter 33b: Check oP

 

Coline’s POV

Nagising ako sa malaking alarm clock sa kwarto ni Mae. Kapag sinabi kong malaki, malaki talaga yun.. Regalo ko nung last birthday nya.. Para magising sya, pero parang wala pa ding epekto mas effective ang golden voice ni Tita kapag gigisingin sya..

Napabuntong-hininga nalang ako. Wala akong katabing matulog, walang naninipa, walang naghihilik, walang tumutulo ang laway, walang nang-aagaw ng kumot, walang nagi-sleep talk, walang nagi-sleep walk, walang malikot katabi.. Mahimbing at matiwasay ang tulog ko.. pero malungkot.. Wala kasi ang may-ari ng kwartong ito..

Chineck ko ang cellphone ko pero wala pa din syang text. Kung wala kasi sya or hindi sya uuwi, every minute ang text nya lalo na kapag unli sya.. Eh ngayon kahit isa wala.

“Mae ganyan ka ba kadukha at wala kang panload? Kahit man lang magpapasa ka ng dos o kaya mag-smart alert ka na lang.. atleast nalalaman kong humihinga ka pa at nakakapindot ng cellphone mo..” sabi ko habang nakatitig dun sa cellphone ko na picture namin ni Mae na nakawacky ang wallpaper

Mabilis lang akong naghilamos at nagtoothbrush tsaka bumaba para pumunta sa kusina..

“Coline wala ka bang pasok?” tanong sakin ni Tita na naghahanda ng almusal

“uhm wala po, preparation po ng school fest.. pinagpapahinga na po ang students at the following days ay preparations na po” pagsisinungaling ko

“ahh ganun ba? Mabuti naman at makakapagpahinga ka dito sa bahay..” sabi naman ni Tito, “si Annie anong oras umuwi?”

“ahh ehh hindi po umuwi kagabi.. sabi nya po mago-overnight sya sa bahay nung blockmate nya.. may tatapusin daw pong group project” pagsisinungaling ko na naman

Tae ka Mae, dumadami ang kasalanan ko dahil sayo >____< ayoko namang magpanic sina Tito at Tita kapag nalamang nawawala ang anak nila..

Nag-almusal lang kami, tahimik lang akong nakikinig sakanila habang pinag-uusapan ang nangyayaring korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas..

 

*tok tok* Sabi ko na sa inyo dati hindi uso ang doorbell dito..

 

 

“ako na po” mabilis akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan iyon

Nagulat ako nung makita si Tyrone. Ang aga naman nya >.<

“good morning”  bati nya

“good morning din. Pasok ka”

“kasama ko sila”

Dun ko lang napansin ang mga nasa likuran nya..

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now