Chapter 25a: S-O-R-R-Y

2.4K 75 1
                                    

Chapter 25a: S-O-R-R-Y

Coline's POV

Monday na ulit at pasukan na naman hoho

Dito kami nagstay ni Mae ng Sunday, mamaya pa kami babalik sakanila

"kyaaah! Mae bagay ba sakin?" excited na tanong ko habang umiikot-ikot sa salamin

"oo bagay na bagay!" masayang sabi nya

Ang sarap pala sa feeling ng nakauniform! Long sleeve sya na white tapos may necktie na kulay blue tapos fitted skirt na hanggang tuhod plus black shoes, nakaflats lang ako.. College na college!

Eto ang maganda sa XYZ may uniform, hindi ka mauubusan ng damit di tulad ng ibang University.

Sabay kaming pumasok. At since mejo naninibago pa ako sa skirt nagpahatid na kami kay kuya Rob.

Si Mae busy sa cellphone nya kaya deadma ako.

Naisip ko lang 2 week7 na pala ako pumapasok sa XYZ.. Akalain mo nga naman?

"nandito na po tayo"

"salamat po"

Bumaba na kami ni Mae ng kotse.

"susunduin ko pa po ba kayo?"

"ay wag na po.. Majijeep na lang po kami ni Mae mamaya" paliwanag ko tsaka isinara ang pinto

Nagnod lang si kuya Rob. Alam nya na seryoso ako sa pagjijeep.

Baka nga iniisip nya may topak ako at mas pipiliin ko pang sumakay sa jeep kesa sunduin ng kotse. Nahihiya lang din naman ako

Hinila ako ni Mae papunta dun sa may front door.

Nandun na pala silang lahat.. Nakauniform na din.. Si Angela at Ivan HRM parang yung nagtatrabaho sa hotel ang uniform nila tapos si Charlie all-white din dahil nursing sya. The rest kami yung uniform na ng school ang suot..

 Hinihintay na yata nila kami..

Nagulat ako nung biglang tumugtog si Zach sa dala nyang gitara..

Nagulat ako nung out of nowhere sumulpot si Tyrone.

Napatakip ako sa bibig ko nung lumabas sya at ngumiti sakin.

NP: Sorry Pwede Ba?

Buhay ko;y nasa‘yo

Matitiis mo ba ako, oh baby

Huwag sanang magtampo

Sorry, pwede ba

Ohmygosh! Kumakanta sya!

Ang totoo? Sintunado sya!

Pero alam nyo yung effort? Eto yun oh!

Sobra kong naaappreciate to.

Yung simpleng sorry lang kasi okay na sakin.. Tapos babanat ng ganitong effect? Sinong hindi matutuwa?!

Tinignan ko si Mae ngiting-ngiti sya..

Si Angela tuloy sa pagpipicture.

Si Zach ang galing maggitara.

Nakahilera naman si Ivan, Charlie at Ellaine na todo ngiti din.

Napabalik ako ng tingin kay Tyrone. Nasa harap ko na pala sya. May hawak sya na isang tangkay ng white rose.

"Sorry.. Pwede ba?" kanta nya sa huling linya

Nagulat ako ng tumalikod sila sakin at nabasa ko yung papel na nasa likod nila,

Zach- S

Ivan- O

Ellaine- R

Charlie- R

Mae- Y

Nagulat talaga ako nun! Di ko alam kasabwat din sila.

Si Angela tuloy ang picture.

Humarap sakin si Tyrone at binigay yung puting rose, "sorry.. I didn't really mean it" sincere na sabi nya

Hinampas ko sya ng mahina sa braso, "arte ng sorry mo ha! Dami mong alam!" ngiting-ngiti pa ko sakanya, "Apology accepted"

"KISS!" sigaw nila

Adik din eh nuh? Dahil nga sa kiss na yun umakward eh

"oh sya hug na lang!" sabi ko

At naghug nga kami.

"yiee!" sigaw ng barkada

Nagpalakpakan naman ang mga nanonood sa paligid.

First day of uniform.. Napakamemorable..

At aaminin ko.. Kinikilig ako.

---

You Gave Me HopeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant