Chapter 40d: Visit

2.3K 67 2
                                    

Chapter 40d: Visit

 

Coline’s POV

 

 

After ng class umuwi muna kami ni Mae para magpalit ng damit.. Pupuntahan kasi namin ngayon si ate Tyraine.. Ang saya namin nung malamang gising na sya.

Namitas pa kami ni Mae ng bulaklak at prutas sa bakuran ni Aling Nena.. Oo namitas kami! Pareho kaming dukha ehh.. Sobrang dami kasi naming binayaran sa school last week kaya eto kami butas ang mga bulsa!! Capital DUKHA!

“akyatin ko na ba yung bayabas?? Mababa lang naman ehh..” si Mae yan

“go na.. manunungkit ako ng mangga..” sagot ko

Kinuha ko ang panungkit at yung basket.. Sina Aling Nena nakatira sa dulo ng lugar na ito.. Tama lang ang lawak ng lugar na ito, may ilang tanim na halaman, puno, prutas at gulay.. at mabait naman sila as long na magpapaalam ka kung kukuha ka ng tanim nila..

After makapanungkit ng indian mango at bayabas, hinugasan namin yun at nilagay sa plastic bag..

“Mae.. okay lang naman tong mga gumamela diba?” tanong ko

“oo may satan pa eh.. tss. Si Aling Nena naman kasi eto lang ang tanim..”

“adik nagreklamo ka pa” sabi ko, “idea mo kaya toh..”

Kagabi pa kami nag-iisip ng kung anong pwedeng dalhin sa ospital ng hindi gumagastos.. at eto nga ang naisip namin..

“it’s the thoughts that counts naman diba??” tanong nya

“wrong grammaring ka!” saway ko sakanya

You Gave Me Hopeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن