Chapter 19c: Protect

3.2K 70 1
                                    

Chapter 19c: Protect

Coline's POV

Hapon na.

Umalis muna yung magkakapatid, may pupuntahan.. Kaya ako, si Angela, Zach at Mae ang nandito sa kwarto.

Wala na kong dextrose pero may gasa pa din yung likod ko. Pwede na daw akong lumabas bukas.

Kasalukuyan kaming nanonood ng tv. Taray diba? Sosyalin kasi 'tong room kaya pati unlimited guests pwede.

At eto kami nag-aagawan ng remote.

"huy sa balita!" sabi ni Angela na kapit ang remote

"parang matanda lang Anj? Sa Animax tayo!" inagaw naman ni Mae

"hala! May telenobela sa hapon sa 2! Dun tayo!" tapos syempre agaw din ako

"jeez. You all act like a kid!" sabi naman ni Zach na inagaw yung remote sakin at nilipat

O.o

Ano bang klaseng palabas yun? They're making out!

>____<

"hoy Zach! Bastos ka!" sabi ni Mae at marahas na inagaw yung remote at inilipat

Nakatanggap naman sya ng batok kay Angela.

After 10 years nagkasundo kami sa iisang palabas.

Mr. Bean featuring Rowan Atkinson

Eto na yung pinakamatinong palabas na nagkakasundo lahat.

Oo. Pati ako. Idol ko kaya si Mr. Bean! Hoho

Tawa kami ng tawa. Eto yung episode na binuking ni Mr. Bean yung secrets nung magic.

'excuse me. I'm looking for my watch' sabi nya dun sa magician na kinuha yung relo nya para sa magic

"hahahaha!!" tawa naming lahat even Zach

Ewan pang 10x ko na yata 'tong napanood, nandun pa din yung aliw factor.

Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako. I was expecting Tyrone but I was wrong.

Bakit parang disappointed ako?

"hi" bati nya at lumapit sakin

"hello Charlie" bati ko

Kung hindi nyo sya natatandaan, balik kayo sa previous chapter.

"kuya!!" sigaw ni Angela at yumakap

"ow baby! I miss you." sabi nya naman

Psh! Spoiled na Angela.

"tsk!" rinig namin sabi ni Zach at bumaling sakin "Coline, I'm more handsome than him right?" sabi nya

Tinignan ko sila pareho..

Hmmm. Di ako makapamili, pareho silang gwapo!

Nakita ko na lang binatukan sya ni Mae, "ay sows! Wag mong pagselosan, magpinsan yan!" paliwanag ni Mae

Bumalik na sa couch yung tatlo at nagpatuloy sa panonood.

Umupo sa upuan malapit sa kama ko si Charlie. "okay ka na?" tanong nya sakin

"ah oo salamat sa padalaw"

"nung kinwento nga ni Anj yung nangyari, nagmadali na 'kong pumunta dito."

"ah.. Naku.. Naabala ka pa yata."

"ay hindi. Ow I brought you some fruits" nakangiting sabi nya at kumuha ng apple para ipagtalop ako

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now