Chapter 3: I Kicked Him Again

4.6K 144 6
                                    

Chapter 3: I Kicked Him Again

 

Coline's POV


Hapon na at wala akong magawa sa buhay bukod sa pagtulog..

Busy lahat.

Pupunta sana ako sa room ni Beth para humiram ng book nang madaanan ko ang kwarto nina Dad.

I heard the talking..

"oh ano may bago ba?" I heard Tita asked

"wala pa din daw sabi ni Dr. Mercado" Dad answered

Dr. Mercado? They are talking about my doctor.

"hay! Pag hindi pa tayo nakahanap ng donor ni Lyn, baka mawala na din sya sa atin" yung boses ni Tita parang lumungkot

"Lily don't be sad. I know magkakaron din ng donor si Lyn soon."

"pero paano kung wala? Ayokong mawala sya.. Parang anak na din ang turing ko sakanya.."

"Lily please don't cry.. Be strong.. for Lyn., sa atin na lang sya kumukuha ng lakas"

Tita is crying?

Ewan ko pero napaluha na din ako..

Lahat sila nalulungkot at umiiyak ng dahil sa akin.

"I don't know Noel. We should find a heart donor soon. That's the only way to save Lyn.."

"don't lose hope.. Hindi mawawala si Lyn"

Don't lose hope? Ako mismo wala ng hope..

Hindi na ako umaasa na magkakaron pa ako ng donor.

Yun na lang siguro ang magagawa ko.. Ang magagawa namin..

Pero bakit ayaw nilang sumuko?

"si Mae, mawawalan sya ng bestfriend.. Alam mo ba naaalala ko sakanila ang kabataan namin ni Ann.. Alam mo ba kung gaano kasakit mawalan ng bestfriend? Sobrang sakit. Naranasan ko ang sobrang sakit na yun, at ayokong maramdaman ni Mae yun.. Mahirap ang maiwan.."

Humagulgol si Tita, may pinaghuhugutan sya.. Naramdam ko yung sakit tuwing sinasabi nya yung Ann..

Si Mae, ang bestfriend ko. Luka-loka yun. Amazona. Pero mahal na mahal ko yun.

Alam kong masakit na maiwanan ko sya, kaya ngayon pa lang hinahanapan ko na sya ng pwedeng gawin na bestfriend.

Si Dad nakita ko yakap-yakap si Tita..

"si Beth, kawawa naman si Beth kapag nawala si Lyn. Mahal na mahal nya ang kapatid nya."

You Gave Me HopeWhere stories live. Discover now