Chapter 1: Agents

37.9K 962 126
                                    

"The Kingdom of Tereshle.

A far away kingdom that has four different divisions. Each division has its own elemental attribute namely: The Aundros, fire attributes, led by Anthony Miller. Zhepria, the wind attributes of the kingdom, led by Benedict Stone. The Lynus, water attributes, led by Casandra Jade and the Enthrea, earth attributes of Tereshle, led and ruled by Flint Bruce. Each leader of the different division is an official member of the Council. The Council is a group of people who are powerful enough to lead, rule and protect the whole kingdom of Tereshle and its people.

Aside from the members of the Council, there's also a group of people who protect and work for the kingdom. Those people are called the Agents of Tynera."

Napahikab ako at wala sa sariling napakusot sa kanang mata. Isinarado ko ang librong hawak-hawak na kanina ko pa binabasa rito sa silid ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at inilapag sa ibabaw ng hita ang libro. I stretched my arms and yawned again. I was bored a while ago kaya naman ay napagtripan kong basahin ang isa sa mga history book na mayroon ako sa kuwarto ko. But hell, it was a wrong move! Lalo lang akong na-bore dahil sa librong ito! Unbelievable!

Seriously, Ana? History book talaga? Nasa ibang lebel na talaga yata ang pagka-bore ko ngayong araw!

Napairap na lamang ako sa sariling kalokohan! Dahil sa pagkakainip, pati sarili ko ay kinakausap ko na! This is not good! Not hella good. Damn it! "I need a job," mariing sambit ko at napanguso na lamang. "Yes. Kailangan kong magtrabaho ngayon. Right here, right now! Pakiramdam ko'y magkakasakit na ako rito dahil sa walang matinong ginagawa!" inis na wika ko pa sabay kuha ng itim na jacket ko sa ibabaw ng kama. Tumayo ako at mabilis na lumabas na sa silid ko.

I need a job! Kahit anong trabahong mayroon ngayon dito sa Tynera ay papatusin ko ngayon! Napangiwi na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Tahimik kong tinahak ang mahabang hallway na dinaraanan at noong nasa dulo na ako, mabilis akong lumiko pakanan at agad nagtungo sa malaking bulletin board dito sa Tynera.

Ang Tynera ay isang pribadong gusali kung saan nagtitipon-tipon at namamalagi ang mga agent ng Tereshle na kagaya ko. Ang lugar na ito ay isang maliit na parte lamang ng napakalaking palasyo ng Kingdom of Tereshle. Pero kung tutuusin, malaki naman talaga ang Tynera, manliliit ka nga lang kung titingnan mo ang buong palasyo ng kaharian na ito.

Bawat agent ng Tereshle ay kailangang manatili at manirahan sa loob ng Tynera, with or without an official mission from the council. At isa ang pangunahing misyon at trabaho ng isang agent ng Tynera ay ang protektahan ang buong kaharian at ang mga taong namamalagi rito. Agents are powerful attributers from the four different divisions of the Kingdom of Tereshle. Some of us came from the Tereshle Academy, an exclusive school, just like me. Mostly, mga graduate ng academy ang kakilala kong agents na narito sa Tynera. Iyong iba naman ay inborn ng malakas at makapangyarihan kaya mismo ang Council na ang nagpasok sa kanila bilang agent sa lugar na ito.

Napabuntonghininga ako at tahimik na tiningnan ang mga papel sa harapan ko. Sinuri kong mabuti ang bulletin board habang marahang tinatapik ang kanang paa sa sahig. Dito sa bulletin board na ito nakalagay ang lahat ng misyong kailangan naming gawin bilang taga-protekta ng buong Tereshle. Capturing criminals, solving crimes, and even killing people, bad Tereshlians, are the kind of jobs we have here. Walang pumipilit sa aming kumuha ng isang trabaho o misyon. We are free to choose, but when the Council and its members assigned an agent to a specific mission, then, you can't say no to them. Just do the job and finish it without dying.

The kingdom pays us a huge amount of Tereshle money. The amount is five times bigger than the usual minimum wage we have here in our kingdom. It's a dream job for u, Tereshlian. Kumikita na kami ng malaki, natutulungan pa namin ang buong kaharian!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now